History ng bahay

46 0 0
                                    

Ang pinakaunang nangyari samin ay nung ginagawa pa lamang ang bahay.

Sabi ng mama ko, nilagnat daw ang isa sa mga nagtatayo ng bahay namin sanhi ng may nabati o nagalaw sa lupa. Meaning to say, wala pa kami dito ay nauna na sila sa amin.

Pangalawa, may kaibigan ang mama ko noon at alam na may ibang nakatira dito. Nagprepare sila ng alay ang inilatag sa dining area at nagpalipas ng oras. Ang sabi ng kaibigan ni mama ay nagbigay sila ng oras para kumaen ang pinag-alayan nila. Pagkatapos noon ay pumunta sila sa bakanteng lupa ng bahay namin at naghukay yung kaibigan ni mama ng mababaw na hukay sa lupa saka inilagay ang ibang pagkain na inialay nila. Nang
tabunan ng lupa ang hinukay ay para bang may hinigop ng mabilis pailalim ang pagkain dahil lumubog ang lupang itinabon.

Masasabi kong mababait sila dahil hindi naman nila kami sinasaktan.

True Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon