Taehyung POV
"Well.. We have no choice. We're back Bangtan."
Masyado na ata akong nate-tense sa comeback ng walangyang Jae na yon. I shouldn't lost my focus, lalo na ngayon. Ilang araw nalang makakasama na namin sya. This can't be happening. Napakamot nalang ako sa batok ko nang bigla akong kalabitin ni Suga. Nandito kami ngayon sa bahay nina Jungkook because it's Saturday at napagpasyahan naming dito mag-movie marathon.
"Bro, okay ka lang ba?" Tanong nito at halatang nag-aalala sya. Kanina pa kasi ako nakatulala. Baka masyado nang creepy yung itsura ko.
Well. Hanggang ngayon di ko pa rin sinasabi kay Jungkook na magkapitbahay lang kame. Tsaka para saan pa? Di ko naman kailangang ipaalam sa kanya yon.
"Yeah. I'm fine." Napatingin naman ako kay Jungkook nang sumulpot ito palabas ng kusina bitbit ang dalawang bowl ng french fries.
"Pwede ka na palang mag-asawa nyan Jungkook. Caring na. Gwapo pa. Tapos sanay pa magluto!" Puri naman sa kanya ni RM.
"Hindi naman. French fries lang niluto ko, pwede na agad mag-asawa? Tsaka wala pa sa isip ko yan." Sagot naman ng binata tsaka sya tumabi sakin.
"Jungkook, anong oras ba darating mama mo? Nakakahiya naman baka maabutan nya pa kami dito." Sabi ni Jimin habang ngumunguya pa ng french fries. Pansin na pansin ko ang mga tingin na binibigay nya kay Jungkook. Ngayon ko lang sya nakitang tumingin ng ganon simula ng mag-break sila nung first girlfriend nya.
"I forgot to say. Nagpaalam na pala ko kay Mama. Tsaka dun muna ata sya magi-stay sa ka-trabaho nya. Hindi na raw muna sya makakauwi. Baka Monday na." Sagot naman nito.
Agad namang nagsalita si Hoseok na syang kinagulat ko. Hayys. Lutang ka nanaman Taehyung.
"Yon pala eh! So... Isa lang ibig sabihin nyan!""Ano naman yon?" Tanong ni Jin na parang di alam kung ano ang topic.
"... Pwede tayo mag-overnight! Diba? Masaya to!"
Nagulat naman ako sa request ng ugok na to kaya nagsalita na ko.
"Yah! Nakakahiya ka Hoseok. Hindi naman ata maganda yan. Di naman tayo nagpaalam sa mama ni Jungkook.""No. It's okay. Besides makakapag-bonding tayo and I want to celebrate with you guys dahil sa pagpayag na sumali ako sa Bangtan. Parang thank you gift na rin to."
Punyemas, di ko nga alam na nag-agree na pala sila dun sa gusto ni Jimin na sumama sa grupo namin si Jungkook. Hindi naman sa ayaw ko, pero ayoko lang syang ma-attach sa amin dahil nag-aalala akong malaman nya ang mga bagay na di nya alam. Konsensya pa namin kapag may nangyaring masama sa kanya, malapit na pati dumating si Jae. I don't feel like celebrating. Uuwi nalang ako.
The intense silence broke when Jimin spoke.
"Oo nga. So tayo na't umuwi muna sa mga bahay natin at maghakot ng mga kailangan natin. Mahaba-habang movie marathon to mga bro!" Nag-apir pa sila nina Hoseok at RM. Loko talaga tong mga 'to! Aish.
Magpapaiwan nalang ako. /evil smile/ Dyan lang naman bahay ko eh. Bat kailangan ko pang umuwe? Psh.
"Sige. Dito muna ko, sasamahan ko nalang si Jungkook."
"Sure ka Tae?" Tanong ni Jin bago lumabas ng pinto.
"Yeah. Alam mo na yun Jin. Sige na. Kami nalang mag-aayos dito. Basta bilisan nyo nalang."

YOU ARE READING
Hold Me Tight (VKOOK)
FanfictionSi Jungkook ay isang transfer student. Makikilala nya ang Bangtan; isang grupo na napaka-misteryoso. He will have a secret admirer, at nararamdaman nyang malapit ito sa kanila. All people around him was acting mysterious.. and weird. Even his bestfr...