XII

22 2 1
                                    

i'm thinking of a new story~ ♡♡ pasensya na talaga mga babyyy kung slow update to. /hugs you all;

--

Matapos ang ilang buwan ay naging maayos naman ang buhay ni Jungkook. Pero sa mga araw na yon, ay walang Taehyung, walang Bangtan na kasama. Lagi lang si Sha ang kasama nya. Tuluyan na nyang kinalimutan ang feelings nya para kay Taehyung. Hanggang sa umasa syang makikilala at makikita nya ang secret admirer nya. Pero pati ito ay parang bibiguin sya, ilang buwan na rin syang di binibigyan ng letter sa locker nya. Nag-focus si Jungkook sa studies nya at ngayong malapit na ang finals nila ay nae-excite na sya dahil alam nyang malapit na nyang masungkit ang unang pwesto sa top ng klase nila.
Walang pansinan, walang kibuan, walang ngitian. Lagi nalang tinginan ang nangyayare sa kanila. Sa kanila ni Taehyung. Si Jimin din, halos daanan nalang sya kapag nakikita nya sa corridor. Di nya alam kung ano bang nagawa nya at parang lahat ay apektado at parang lahat ng myembro ay lumalayo na sa kanya.

Taehyung POV

"Bro, huy! Tulala ka nanaman e! Kanina ka pa ah" napatingin ako bigla kay Suga. Di ko narinig yung sinabi nya dahil masyado atang napalalim yung iniisip ko.

Teka ano bang iniisip ko?

"Nako V. Iwas-iwasan mo na nga yung pag-inom mo sa kape ni Jin. Lagi kang lutang e. Alam mo, sabihin mo kung may problema ka ba pre, aba simula nung pinabugbog ka nung siraulong Jae na yon parang.. nagbago ka na." nginitian ko lang si RM.

Nandito kami ngayon sa coffee shop ni Jin. Halos magta-tatlong oras na rin kaming nagbubutas ng upuan dito. Pero wala akong maalala ni isa sa mga pinag-usapan namin kanina. Di ko ba alam pero parang nag-aalala ako. Di ako mapakali.

Tinignan ko si Jin habang gumagawa ng kape sa may counter.

"Jin! Asan na ba yung choco latte ko ha? Ang bagal ng tukmol na to." Inis na tanong ni Hoseok.

"Matuto ka kasing maghintay. Di sa lahat ng oras, pwede mong madaliin ang isang bagay." Sagot ni Jimin. Humuhugot pala tong pandak na to. Psh.

Halos lumuwa naman yung mata kong nang biglang tumunog ang cellphone ko. Shit. Lutang nga talaga ako. Tinignan ko lang yung nagriring kong cellphone at tumambad sakin ang isang unknown number. What the heck, sino ba naman to? Alas dose na ng madaling araw tapos may gana pang tumawag? Di kaya si.. aish! Taehyung stop it. Stop thinking about HIM. Mali e. Mali kase. I just pouted while looking at it.

"Sasagutin mo ba yan o ano?" Sabi ni Jin at inilapag ang latte ni Hoseok sa table namin at tsaka tumabi kay RM.

"This is Kim Taehyung. Ano kailangan mo?" I answered with a bored voice. Syempre para mafeel nyang nakakaistorbo sya.

"Kailangan ko? Ang mawasak ang Bangtan." Napakunot naman ang noo ko sa sagot nya. Is this fucking person is fucking with me? Messing with my group is not a great idea bro. Ni-loudspeaker ko yung cellphone ko then I shushed to them para marinig nila ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

"Sino ka ba ha? Wag mo kaming guluhin kung ayaw mong magulo din buhay mo gago ka." Badtrip ako ngayon, wag ka nang dumagdag puta.

"Matagal nang magulo ang buhay ko dahil sayo. At dahil don, guguluhin ko rin ang buhay mo pati na rin ang buhay ng mga taong malapit sayo."

Napatingin naman sakin sina Jin at di ko halos maipinta ang mga pinapakita nilang reaksyon ngayon. I saw Jimin fisting his hands, malamang nanggigigil na to ngayon.

"Are you sure na safe kayo kapag magkakasama kayo?"

Di ako sumagot. Hinayaan ko lang syang magsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold Me Tight (VKOOK)Where stories live. Discover now