Chapter 4: Ruthless Monster

2 1 0
                                    

Nasa isang simpleng wooden bench si Arvie, nakaharap sa malawak na tanawin ng rice terraces, na parang walang katapusan sa abot ng kanyang tingin. Ang araw ay tuluyan nang sumikat, nagbibigay ng mainit at gintong liwanag sa paligid, kaya't halos nagliliwanag ang mga berdeng hagdang palayan. May hawak siyang tasa ng kape, mainit pa ito at ang mabangong halimuyak ay humahalo sa sariwang hangin ng umaga.

Pero kahit gaano kaganda ang tanawin, hindi doon nakatuon ang isip ni Arvie. Ang iniisip niya ang babaeng nakilala niya kaninang umaga, si Tanya Quenares. He sipped his coffee and felt the burning sensation coursing through his body, pero hindi iyon kasing init ng naramdaman niya the moment he had with Tanya. May kung anong naiwan sa kanya—isang bagay na nakabaon na sa kanyang isip at hindi niya basta-basta maalis.

"She exudes efforless allure in her simplicity," bulong ni Arvie sa sarili, sabay iling, tila sinusubukang alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Hindi si Tanya yung klase ng kagandahang humihingi ng atensyon—She radiates a quiet, natural charm in the simplest way. Yung tipo ng kagandahang hindi kailangan sumigaw para mapansin; nandoon lang, tahimik pero kayang manghuhumaling ng puso. 

Hindi namamalayan ni Arvie na unti-unti na siyang napapangiti habang naglalaro sa kanyang utak si Tanya.

Pero hindi lang iyon ang tumatak sa kanya. Ang talagang bumihag kay Arvie ay ang personalidad ni Tanya—kung paano siya kumilos sa mundo nang magaan, parang walang bigat na pasan. Siya'y malaya, walang pakialam sa mga expectations ng iba. Ang paraan ng pagsasalita niya at ang kanyang tawa. Ang simpleng maliit na bagay—sobrang laya, sobrang gaan.

"Yung ngiti niya," bulong  ni Arvie— humigop muli ng kape. Ang ngiti ni Tanya ang talagang nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Hindi lang ito dahil sa pagkurba ng kanyang mga labi o ang pagkislap ng kanyang mga mata tuwing tumatawa siya. Ang ngiting iyon ay representasyon ng isang bagay—isang tunay at walang halong pagkukunwari, isang buhay na puno ng sigla na matagal nang nawala kay Arvie.

Mabigat siyang bumuntong-hininga. Tumitig sa tasa ng kape na tila hinahanap doon ang mga sagot sa kanyang mga tanong. Dumating siya sa Sagada para makatakas, para hanapin ang katahimikan at kapayapaan na mag-isa. Pero ngayon, matapos makilala si Tanya, dahan-dahan natitibag ang konkretong plano niya. Napaisip siya, baka kailangan niyang hindi mapalayo sa mundo. Huwag ikulong ang sarili sa isang pagkakamali. kailangan niyang muling makisali sa mundong ginagawan— makita ang saya sa maliliit na bagay, tulad ng ginagawa ni Tanya.

Sa muling pagkakataon, nakaramdam si Arvie ng maliit na silakbo ng pag-asa. Sa pagkakataong ito mahanap niya ang  sagutan  sa katanungan  na hindi makuha sa kahit-sino kinakama. May pag-ibig ding dumadaloy sa kanyang puso. Marunong siyang magmahal.

At marahil, si Tanya ang sumira sa nakadena niyang puso.

Habang nakaupo, sumasama ang amoy ng kape sa sariwang hangin ng bundok, napansin ni Arvie na hindi nawawala sa kanyang labi ang nakaukit na ngiti—isang maliit at tila nag-aalangan, pero totoo. Ang unang tunay na ngiti niya sa loob ng ilang buwan, at marahil sa ilang taon. Dahil kay Tanya.

Nagsisimulang bumaba ang araw sa likod ng mga bundok habang si Arvie ay naglalakad sa makapal na kagubatan ng Echo Valley. Hindi pantay ang daan—puno ng ugat at mga maluwag na bato na kailangan niyang iwasan sa bawat hakbang. Ang pangalan ng lugar ay angkop; bawat tunog, mula sa kaluskos ng mga dahon hanggang sa malalayong huni ng mga ibon, ay  umalingawngaw pabalik tila  mayroong bumabalik na tinig mula sa kalaliman ng lambak. Malamig ang hangin, may bahagyang lamig na sumasama habang papalapit na ang gabi.

Sa unahan, sumilip ang sinaunang Hanging Coffins ng Sagada—isang tanawin na nakakatakot ngunit kamangha-mangha. Ang mga lumang kabaong, ang ilan ay may mga kupas na simbolo at nakasabit sa gilid ng bangin, patunay sa isang sinaunang tradisyon na nagbibigay-pugay sa mga yumao sa isang kakaibang paraan. Habang tinitingnan ni Arvie ang mga kabaong na tila nakabitin sa pagitan ng langit at lupa, nakaramdam siya ng biglaang pagsasalamin sa buhay. Dito, sa presensya ng kamatayan, tila nawawala ang bigat ng mga tagumpay at kabiguan sa buhay. Ano nga ba ang halaga kung nakapasa siya o hindi sa isang pagsusulit? Ano ang silbi ng pag-abot sa inaasahan ng iba? Sa bandang huli, sa isang kabaon lang kakahantungan.

SUNDAY MORNING IN SAGADAWhere stories live. Discover now