1

94 4 0
                                    

2 years na ang nakalipas noong nangyari 'to.

-

Halos lahat ng mga kaklase ko ay kilala na ang isa't-isa, samantalang ako ay walang nakakausap sa room namin, hindi ko naman kilala ang karamihan sa kanila eh.

May iba ang pamilyar sa akin dahil nakita ko na sila noong recog last year, pero hindi ko naman sila close.

Nakaupo lang ako, pa-mysterious, napagkamalan pa ngang spy ng isang teacher dahil sa sobrang tahimik ko eh, kahit na hindi naman talaga ako sanay makisalamuha sa iba. Gusto ko kasi sila ang mag first move sa akin, feeling special ako eh.

Halos 1 week 'ata ang tinagal bago ako magkaroon ng makakausap sa room, kinausap kasi ako ni Istel at tungkol pa sa kabaklaa- oh alam niyo na 'yon.

Si Istel lang ang nakakausap ko sa room, hanggang sa may nag-chat sa akin, si Loe.

Nag-hello lang siya tapos nag-hi ako, doon na nagsimula.

Pagdating naman sa room, nagngingitian lang kami, nagkakahiyaan pa kasing lumapit sa isa't-isa.

Isang KaibiganWhere stories live. Discover now