4

52 6 0
                                    

Mukha akong tanga sa part na 'to.

Dahil nga bigla nalang akong nilayuan ni Loe at hindi pinansin, naisip ko na baka ang dahilan ay hindi ako magaling magdrawing.

Magaling kasing magdrawing si Loe, at simula noong hindi niya ako pinansin ay si Kenny ang madalas niyang kasama, magaling rin kasi si Kenny magdrawing.

Ang naisip ko ay hindi ako magaling sa arts at hindi makasabay kay Loe kaya niya ako nilayuan, ako na ang nag-isip ng dahilan, hindi ko kasi siya natanong noon.

Hanggang magbakasyon 'yon, tibay ng loob niyang panindigang hindi ako pansinin.

Hindi naman ako galit, tampo oo. Nagrant pa nga ako sa dump account ko tapos umiyak at sinend kay Red yung video, lol.

Isang KaibiganWhere stories live. Discover now