Fast forward, recognition na namin, awkward pa rin kami ni Loe kasi nga walang pansinan ang nagaganap. Kung mayroon man, saglit lang.
Naalala ko pang nagtampo ako kasi hindi niya ako kinamayan hahaha, yun pala ay oa lang ako.
Ayun, nagbakasyon na kami tapos awkward pa rin, walang nagbago.
--
Last year, hindi ko na naging kaklase si Loe at magkaibang building rin kami. Last school year nga ay ako lang ang babaeng nagmula sa dating section ko, lahat ng mga kaklase ko na nakasama ko sa section ko last year ay puro mga lalaki. Kaklase ko pa rin si Red.
Malapit lang naman ang building nila Loe sa building namin, nakakapagod nga lang sa pag-akyat ng hagdan. Pinupuntahan ko rin siya sa section nila, 'yun pala ay may bago siyang best friend, si Rish. Nyenye.
Last s.y rin ay nagkaroon ako ng cof, first time ko ang magkaroon ng cof. Sobrang thankful rin ako sa kanila kasi sa totoo lang, natrauma ako 2 years ago, buti nalang ay naranasan ko ang magkaroon ng cof at hanggang ngayon ay may connection pa rin ang kaming lahat.
Si Nana, Ches, Min, Wyn, Red, at Than ang mga ka-cof ko, pare-parehong mga indio. *Ps. Ako ang pinakacute, walang magrereklamo.*
YOU ARE READING
Isang Kaibigan
CasualeMema lang. Hindi sineryoso pero tinarantado. Nangyari talaga 'to sa totoong buhay pero pinagtitripan at pinagtatawanan ko nalang.