Hindi lang naman si Loe ang naging close ko, naging close ko rin si Zy, Red at Ram.
So, pagdating nga ng 3rd quarter, bigla nalang lumayo sa akin si Loe. Hindi ko pa alam yung dahilan niya kung bakit niya ako nilalayuan, hindi ko natanong sa kaniya noon eh.
Ewan ko, pero hinayaan ko rin siyang layuan ako kahit na umiiyak ako sabay send ng video kay Red.
Si Red at Ram talaga ang close na close ko noon, ka-row ko kasi sila at kaming tatlo rin ang madalas na magkausap.
Akala niyo mabait yung dalawa? Hindi 'no, pinagtitripan ako niyan. Naglalunch lang ako at ulam ko pa ay tocino tapos bigla nila akong pinanood ng... basta nakakadiri. Edi nawalan ako ng ganang kumain.
Isa pa, kumakain rin ako ng lunch ko at dahil silang dalawa lang ang madalas kong kausap at kasama, ako pa rin ang napapagtripan nila. Pinanood nila ako ng ICE CREAM, hindi lang basta ice cream, may iba pa 'yan na nakakawalang ganang kumain.
Hindi ko alam sa dalawang 'yan, pasalamat sila dahil mabait ako.
YOU ARE READING
Isang Kaibigan
RandomMema lang. Hindi sineryoso pero tinarantado. Nangyari talaga 'to sa totoong buhay pero pinagtitripan at pinagtatawanan ko nalang.