Imee's Pov
Its been 2 months na nandito si Lily sa bahay at masasabi ko lang na marami syang namana saakin isa na don ang kadaldalan.
"Lala, you know po kanina sa school may nasagasaan na lalaki. Ni rush po namin s'ya sa hospital" pag kwento nito
"Oh anong nangyari? Kumusta s'ya?" Mommy asked
"He's fine lala konting sugat lang po buti nalang at mabagal lang takbo nung single motor" saad nito
"And I dont have that much friends po since ang tataray nila" dagdag nitoYes Inilipat na namin s'ya ng School last week lang dahil nahihirapan rin s'ya na umuwi pa ng Cagayan.
"It's ok anak, first week mo palang naman doon" saad ko naman
"Your Mom is right" saad naman ni Mommy
"They are asking po if kaano ano ko po kayo since si Ms Imee po ang nag enroll saakin doon" saad ni Lily
"Sabi ko po na scholar n'yo po ako" saad nito sabay tawa
"Pero ayaw po nilang maniwala" dagdag nito
"Kamukhang kamukha mo kasi ang mama mo kaya malabong maniwala sila nascholar ka lang n'ya and also apo nagviral yung video mo noon" saad ni Mommy
"Ay oo nga po noh? Dapat sinabi kong kapag anak n'yo nalang ako" saad nito sabay kamot sa ulo kaya natawa ako
"It's ok anak, kapag dumating naman ang right time ipapakilala ka rin namin" saad ko
"Im hungry po ulit kain lang po ako" saad nito sabay takbo papuntang kusina
"Kelan mo ba balak itago yang anak nyo Imee?" Mommy asked
"Hanggang maayos lang po namin yung gulo mommy, marami kasing nag padala ng kung ano ano sa bahay karamihan ay nag tatangka sa buhay namin" saad ko
"Ayaw ko namang madamay ang anak ko mom, ayaw ko ring maranasan n'ya yung nararanasan namin" dagdag ko pa
"Hi Hon" rinig kong bati ni Rod kaya napatingin kami sa kanya.
Agad itong lumapit at hinalikan ako habang nag mano naman sya kay mommy.
"Where's Lily? Chat ng chat ubos na daw Grapes n'ya" saad ni Rod kaya natawa kami
"Omg Mr Pres nandito kana! Where's my grapes po?" She asked habang tumatakbo palapit kay Rod
"Where's my hug muna?" Rod asked at agad naman syang niyakap ni Lily
"Namiss kita kulit, nandon sa car yung grapes mo pinababa ko na" saad ni Rod bago humiwalay kay Lily
"I'll Go get it lang po babush!" Sigaw nito sabay takbo palabas
"Jusko ang kulit talaga" saad ko at tumawa naman sila saka umupo si Rod sa tabi ko.
"How are you?" Rod asked sabay hawak ng kamay ko
"Im fine, masaya" sagot ko naman
"Tita!" Rinig naming sigaw ni Lily sa labas
"My favorite pamangkin" saad ni Irene pagkapasok nya sa bahay kasama si Lily na yakap yakap n'ya.
"Namiss kita tita" saad nito
"Namiss rin kita" saad ni Irene kaya hinalik halikan s'ya ni Lily sa mukha na syang ikinatawa naman ni Irene
"Ayyy laway mo!" Sigaw ni Irene kaya tumigil si Lily habang tumawata
Napayuko nalang ako at pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Nasasaktan ako kasi hindi ganyan si Lily saakin. Tanging kay Irene at Mommy n'ya lang yan ginagawa, ni hindi pa nga n'ya ako matawag na Mommy.
YOU ARE READING
Her Daughter
FanfictionPaano kung mahanap mo na ang tunay mong magulang magiging masaya ka ba kapag nalaman mong hindi ka nila pwedeng isapubliko dahil nanganganib ang buhay mo?