"OKAY. OKAY! Ibaba mo na 'yan." Napipilitang pigil sa kanya ni Honey mae. "Sasabihin ko kay Gummy na uuwi na tayo. Kaya please, h'wag mo ng tawagan si mama, okay?"
Nakakaawa ang itsura ni Honey mae kaya agad siya nitong nakumbinsing ibaba ang tawag.
"Bilisan mo at male-late na tayo sa klase!"
Sa kabilang banda, sa isang living room na may kulay na grey at white na pader, katamtamang laki na tv flat screen, grey sectional sofas na may apat na euro pillow. White folding table na may apat na kandila, kaha ng sigarilyo at ashtray sa ibabaw. Bilog na salamin sa wall, at dalawang frame, and lastly a monstera plants.
Sa sofa ay nagkukwentuhan ang magkaibigang Gummy at Ice, nang may marinig silang dalawang magkasunod na katok.
"Bukas 'yan beb!" Sigaw ni Gummy.
"May problema tayo-ang gwapo!" Wala sa sarili na bulalas ni Honey mae nang makita niya ang kasama ng nobyo.
She looks stressed but when her eyes meet Ice, her eyes widened in shock.
She might wonder when her boyfriend has a friend like him.
"Ah, beb?" Pukaw sa kanya ni Gummy na halatang naiilang sa ekspresyon nito sa mukha.
Biglang nalunok nito ang laway kaya bahagya itong naubo. Pagkatapos ay binalik sa kanya ang tingin na may kilig sa mga mata.
"Nasaan ang kapatid mo?" Usisa na lamang ni Gummy. Nagbabakasaling makukuha nito ang atensiyon ng nobya.
She crossed her arms, raising the other eyebrows. "Siya ang tinutukoy kong problema natin. Paano ba naman kasi, gusto niyang umalis!"
Humithit ng usok si Gummy saka binuga sa gilid kung saan walang tao. Samantalang nag-o-observe lang naman si Ice sa usapan ng magkasintahan.
"Why is that an issue?" Biglang singit na tanong ni Ice. "Kung gusto niyang umalis, then let her go." Sabi niya saka humithit ng sigarilyo.
"Tama siya beb," pagsang-ayun naman ng nobyo.
"Magsusumbong siya kay mama kapag hinayaan natin siyang umalis." Paliwanag nito.
"Ano ba talaga ang pinapahiwatig mo?" Nasapo ni Gummy ang noo saka napapikit nang makita ang isang nakakalokong ngisi ng nobya. Hindi nito gusto ang ekspresyong iyon.
"May naisip akong paraan para manatili ang looser na iyon sa iisang tabi."
Dumilim ang ekspresyon sa mukha ni Ice, kumunot ang kilay dahil sa galit. Nagagalit siya kay Honey mae dahil sa tinawag nitong looser ang kapatid.
"Kailangan lang niyang may maka-sweet talk for a bit."
Agad na dinipensahan ni Gummy ang sarili,"Hindi naman siguro ako ang tinutukoy mo hindi ba? Since we are dating-"
"Syempre hindi ikaw!" Pasinghal na putol nito sa sinasabi ni Gummy.
"Eh, sino?" Ice rolled up his eyes, saka napabuntong-hininga na napahawak sa bewang.
"I guess, ako ang tinutukoy mo. Ako lang naman kasi pwedeng tukuyin mo." Gulat na nilingon siya ni Gummy.
"Hehe. Pwede ba?" Muling nagpacute si Honey mae sa kanya ng lantaran.
"Ano ba ang gagawin ko?"
"Pwede ka bang lumabas dun at landiin ng saglit ang loser kong kapatid? Maghanap ka ng paraan para matahimik siya."
Napahawak siya sa bibig. "Paano ka nakakasigurong makikinig siya sa akin?" Nakatungong tanong niya.
Dalawa na silang nakatungo nang mga oras na iyon. Habang nag-aalala namang nakaharap sa kanya si Gummy.
"First of all, she doesn't even know me." Dagdag pa niya.
"Dahil Hot ka, at siya naman ay walang kaibigan na uhaw sa atensiyon. Madali mo lang siyang mapapaikot sa palad mo.
Hindi ba nito naiisip na...hays, anong mundo ba itong napasok niya?
"Hindi ba parang hindi ito tama?" Direktang tanong niya sa babae.
"Hindi ba tama na ang isang nakakaakit na lalaking kagaya mo ay magbibigay ng payo para i-boost ang confidence niya?" Balik nito sa kanya.
"Kakausapin mo lang naman siya sandali," ani Gummy. "Para hindi naman masayang ang pinunta natin dito."
Dahil sa pangungumbinsi ng kaibigan, napapayag din siya nito. Naglakad siya papunta sa pinto saka binuksan ito. Lumabas siya at agad niyang nakita ang isang babaeng nakatalikod sa direksyon niya.
Mag-isa lang itong nakatayo sa labas ng bahay. Bakas ang takot nito sa mukha habang nakatitig sa phone na nasa kanyang kamay.
He feel bad for her. Halata kasing hindi ito komportable sa paligid. Para itong nasa sarili nitong mundo kaya hindi man lang siya nito napansin.
Tsaka hindi dahil sa kailangan niya, pero wala siyang kahit anong make-up. Hindi kagaya ng kapatid nito.
Ang buhok nito ay kumikinang dahil sa sikat ng araw, at ang balat nito ay masyadong makinis.
At kahit na nakasuot ito ng makapal na salamin, nakuha parin nito ang kanyang mga mata at ayaw siya nitong pakawalan.
Ang ganda nito ay talagang natural lamang. Wari niyang may kalungkutan itong tinatago lang.
Nakuha nito ang kanyang atensiyon. Napapaisip tuloy siya kung ano ba ang iniisip nito. Ano ba ang nangyari dalagang ito para malungkot ng ganito?
Pero a din niyang wala siyang karapatan na tanungin ito. Umaasa na lamang siya na sana ay kahit isa, may makausap ito. Isang taong magpapagaan ng nararamdaman nito.
Dapat sigurong lapitan niya na ito.
"Hi," bati niya na bahagyang nagpatalon nito sa gulat. "Hindi ko sinasadyang gulatin ka. Ako pala si Ice. And you are her twin sister, right?"
Umiwas sa kanya ng tingin si Cherry."P-paano mo nalaman?"
Hinawi niya ang buhok at pasimple itong inayos. "Nanghula lang ako. Tsaka pwede kang pumasok sa loob."
"H-hindi na. Salamat na lang." Pilit siya nitong nginitian.
"Ang hindi pagpasok sa skwela para lang makipag-date ay hindi magandang ideya."
Sandali siyang natahimik."Then what is it?"
Namilog ang mga mata nito sa pagkabigla habang hindi inaalis sa kanya ang mga tingin.
"Iniisip mo bang isa iyong nakababagod?"
"Bakit hindi mo ako subukan?" Seryosong sabi niya na kaagad niya namang binawian ng kindat. Napaiwas tuloy ito ng tingin sa kanya.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Cherry. "Terminal ang paborito kong tambayan. Dito ko kasi nakikita ang masasayang pamilya na nagyayakapan dahil sa labis na pananabik sa isa't isa. Kung minsan pa nga ay ginagawan ko sila ng kwento. Dahil ang makita silang masaya ay nagbibigay din sa akin ng kakaibang saya. Nagbibigay sa akin ng pag-asa kung paano harapin ang aking hinaharap at kung paano magkaroon ng magandang buhay. "
YOU ARE READING
Highschool Life: The Virgin Ghost
Teen FictionA Teenfiction-Romance, fantasy series written by Mary Rose ***The Virgin Ghost*** Kamakailan lang ay napagtanto ni Cherry mae na hindi siya ganoon kamahal ng mommy niya. Tanggap niya na ang bagay na iyon. Nak...