🍒07🍒

1 0 0
                                    

PWEDE ba siyang ligawan. Iyan ang mga katagang nagpagulat sa puso ni Cherry.

Idinagdag pa ng lalaki na handa siya nitong samahang tumambay sa terminal at manood ng mga pasaherong may iba't ibang emosyong makikita sa kanilang mga mukha. May saya, lungkot, pag-aalangan, pagsisisi at pagmamahal.

Handa siya nitong samahan sa lahat ng bagay. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya ay gagawin nito.

Gayunpaman, hindi nito naikubli ang takot nang yayain siya nitong makipag-date. Habang umaasa naman ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ng diretso.

"So, ano ang iyong sagot?"

Hindi siya makapaniwala na yayain siya ni Ice ng date.

"Oo ang sagot ko!" Kinikilig na sagot niya. Sa sobrang saya niya ay muntik na niyang mayakap si Ice. Mabuti na lang at nakapagpigil pa siya.

"I'll message you kung kailan ang schedule ng date natin, o kung kailan mo gusto."

Nakangiti na tumango si Cherry.

"O, pano? Alis na ako. See you!"  Paalam nito saka lumabas ng kwarto niya.

Pagkasara ni Ice ng pinto ay napatalon siya sa gulat nang biglang makita niya si Honey mae na nasa tabi lang ng pader kung nasaan ang pinto ng kwarto ni Cherry.

"Anong ibig sabihin ng mga narinig ko?" Bungad nito na parang obligado siyang sumagot. At sa itsura nito, halatang simula pa kanina ay nakikinig na sa usapan nila.

"I have no obligation to answer that. Besides, it's none of your business."

"Kayo na ba ng kapatid ko?!"

"Kapatid mo?" Nanunuya at mariing pag-uulit niya.

"Oh my goodness! Gusto mo nga siya!" Tumawa ng malakas si Honey mae na ikinainis niya. "Kawawa ka naman. Pero alam ko naman na ako talaga ang gusto mo. Gusto mo lang akong pagselosin gamit ang kapatid ko."

"Excuse me?"

"Ngunit nobya na ako ng kaibigan mo. Still, if you really want me, take me. I'm good at keeping secrets." Pag-iilusyon nito.

"Nagkakamali ka ng akala—"

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na ako talaga ang gusto mo at hindi siya?"

Naiinis na ngumisi si Ice. Yumuko siya saka mariing hinilot ang kanyang noo. "Hindi kita gusto. Hindi ako magkakagusto sa nakapandidiri na babaeng katulad mo. Mas matino pa nga sayo ang kapatid mo. Mas loser ka pa sa kanya."

"Ano?!" Nanginginig ang boses nito dahil sa galit.

"Does your nastiness make you hard of hearing?" Pangungutya niya na lalong ikinagalit nito. "Sige na nga. Good mood ako today kaya uulitin ko ang sinabi ko. Hindi kita gusto!" Hiyaw niya sa babae.

Kahit ang aso ay hindi maaatim na kainin ang pag-uugali ni Honey mae. Isusuka ito ng aso kapag kanyang pinilit.

Mabait na babae si Cherry mae. Iyon ang alas nito. Habang ang alam lang naman ni Honey mae ay ang manipulahin ang isipan ng mga tao sa paligid nito.

Ano na lang kaya ang mararamdaman ni Honey mae kapag sinabi na niya ang nangyari sa pagitan nila kay Gummy. Malaman sa alamang, hihiwalan agad siya ng kaibigan niya.

"Kapag hindi mo tinigil ang ilusyon mo, malalaman ni Gummy ang mga sinabi mo sa akin ngayon." Banta niya.

"Sa tingin mo paniniwalaan ka niya?" Malakas ang loob ni Honey mae na hindi paniniwalaan si Ice ng kaibigan.

"Eh, di subukan natin." Panghahamon niya.

Humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Honey mae. Matalim ang mga tingin na binibigay kay Ice.

Highschool Life: The Virgin Ghost Where stories live. Discover now