CHAPTER 1

1 1 0
                                    


- HER POV -

Nandito ako sa tindahan nag babantay wala mga kapatid ko nasa school kahit si marites nasa school din .

"Pabili po" ani ng isang babae na parang ka-edad ko lang, ngayon ko lang siya nakita mukhang bagong lipat .

"ano po yun?"

"dalawang 1.5 nga po na coke tsaka isang galloon po ng 3 in 1 plus 1 na ice cream, may tube ice din po ba kayong tinda"

"meron"

"pabili din ng 10 pesos"

"bago ka ba dito ngayon lang kita nakita" tanong ko .

"hindi po ako nakatira dito dinalaw lang po namin kaibigan namin" saad niya, tango tango naman ang sagot ko at inabot sa kanya lahat ng binili niya .

"magkano po lahat?"

"235 lang" inabutan niya ko ng buong dalawang daan at isang daan "ito na sukli mo" ani ko at inabot ang sukli niya .

"Salamat po, Ate ??"

"Loraine tsaka wag mo na kong i-ate" ani ko .

"ilang taon na po ba kayo?" tanong niya .

"27"

"magka age lang pala tayo, Sige loraine salamat, una na ko" paalam niya at agad umalis hindi ko man lang natanong pangalan niya .

"Andrea?" tawag sa kanya ng isang babae at tinulungan siya sa mga bitbit niya, Andrea pala name niya .

*kringgggg*

agad ko iyon sinagot ng makita ko ang pangalan ni cali .

"Hello?"

"RAINE!!" sigaw niya sa kabilang linya kaya nilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko ang lakas ng boses niya nakakasira ng eardrum .

"Kumalma ka girl, bakit ka ba sumisgaw"

"busy ka ba bukas?"

"bukas? hindi naman, bakit?"

"sakto, pwede bang humingi ng favor?"

"anong klaseng favor? baka naman kung ano yan ah"

"gagi hindi ah, simpleng favor lang naman"

"ano ba yun?"

"kasi bukas may importante akong lakad hindi ko pwedeng i-skip yun dahil pera rin yun"

"hoy! baka kung ano na yan ah, naku! sinasabi ko sayo itatakwil talaga kita bilang kaibigan ko"

"wag ka nga o.a dyan, legal yun hindi illegal"

"buti naman, ano ba kasi yung favor mo?"

"kasi nga yung boss ko may world tour bukas need niya ng assistant, ikaw ang naisip kong tawagan dahil mapagkakatiwalaan ka naman, kung hindi lang importante yung lakad ko bukas hindi kita iistorbohin, pasensya ka na" ani niya .

UNDER HIS INFLUENCE - ( SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon