Chapter Six

21 3 0
                                    

LILLIANE'S POV

Inis kong minulat ang aking mata dahil sa sobrang ingay. Ang aga-aga pero daig pa ang highway sa sobrang ingay ng kwarto ko.

“Ano ba? Hindi niyo ba alam ang salitang privacy?” sigaw ko ng may himig na irita at napatakip ng mata dahil sa sobrang liwanag.

Napahiyaw ako‘t napatingin sa taong pumitik ng tainga ko. Handa na sana akong suminghal pero agad rin na natigil at malalaking matang tinignan ang mga pigura na nasa gilid ng aking kama.

“Hoy! Anong pricvacy pinagsasabi mo? Hindi na ya’n aandar sa akin, ang tagal mong gumising at para sabihin ko sa ‘yo, malapit na tayong ma-late.” singhal naman ni Esther habang nasa magkabilang gilid ang mga palad na para bang nanay na sinesermonan ang kaniyang anak.

“Hindi pa ‘yan.” tamad kong sabi at handa na sanang bumalik sa pagkakahiga nang hilahin nito ang aking kumot.

“Ano ba? Anong oras na ba?” inis kong tanong. Pagtingin ko sa aking maliit na orasan na nasa study table ay parang doon lang nagising ang kaluluwa ko at dali-daling tinakbo ang banyo.

Bakit hindi man lang ako nagising sa alarm clock ko? It's already seven and thirty minutes and its almost eight, which means I only have 80 minutes before the time.

Rinig ko pa ang mga sermon ni Esther sa labas ng banyo ngunit ilang minuto lang ay agad itong natahimik, siguro ay bababa na sila.

Nang matapos ako ay mabilis akong lumabas ng kwarto, halos lumipad na ako nang bumaba ako sa hagdan. I was even holding my comb while holding my bag in the other hand.

“Mukha kang sira dy‘an kakamadali, relax lang Liliane.” rinig kong komento ni Joana habang natatawa itong nakatingin sa akin. The girls agreed but I couldn't care since my mind is thinking about the time.

“What do you mean relax? We're almost late you know, natural lang na magpa-panic ako.” sigaw ko mula sa kusina. I heard them laugh like what I've said was hilarious.

Isa na lang, tatamaan ‘tong tatlong ‘to sa akin.

“Girl, we still have two hours and seventy minutes.” sigaw pabalik ni Joana.

“Y‘on na nga ang dahilan kaya— wait, what?” nalilito kong sabi. What does she mean?

Kinuha ko ang aking phone mula sa bulsa ng aking palda at binuksan iyon. I checked the time and was shocked to know that its still 5:30 in the morning.

Halos manlambot ako‘t halo-halong kaba, inis at saya. But wait. . .

“You animals! Huwag niyo lang talagang hayaan na makalapit ako diyaan kasi sasandukin ko talaga kayo!”

Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang inis, my head is starting to ache and I'm afraid this will ruin my mood. Wala pa naman akong gamot na dala, well maybe may gamot doon sa clinic baka roon na lang ako pupunta mamayang recess. Obviously.

I was constantly sighing while hardly blinking my  eyes. Halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko so I was expecting that I'll bump into something and I was right! Come on world, really? Early in the morning?

Nang mangyari iyon ay parang doon ako nakamulat ng malinaw at parang naging dahan-dahan ang lahat. My inner self was screaming but I couldn't move a bit of my muscles.

Inasahan ko na tatama ako sa sobrang tigas na semento pero ang nararamdaman ko lang ay para akong nakasandal sa ere at tanging railings lang ang umaalalay sa akin.

Huh? Railings?

Mabilis akong tumingala na sana hindi ko na lang ginawa, lalaking naka-mask ang bumungad sa akin at sobrang lapit pa ng mukha niya sa noo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jonathan's SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon