Chapter 11

307 10 2
                                    

Author's Note;
It's September of 2024 everyone!! Lumalamig na ang panahon, y'all keep yourself dry and safe! Stay hydrated and enjoy reading! First update in the month of September<3






"kumain kana iho." Mula sa bintana ay inilipat ko ang paningin kay aling Josa na kasalukuyang inilalapag ang tray ng pagkain sa lamesang nasa gilid ng higaan ko.

"Magnus po?" I don't know how many times i asked where magnus is. I heard aling Josa sighed bago ako tinignan sa mga mata.

"Gustuhin ko mang sabihin sa'yo iho pero mahigpit na ipinagbawal ng boss na mag-sabi sayo ng impormasyon tungkol sa kanya." I saw sympathy in her eyes. I chuckled lightly saka isinandal ang ulo sa sandalan ng kama, nakatingala sa ceiling.

"You can go now aling Josa." I couldn't brought my self to look at her leaving the room. Nakatingala lamang ako habang nag ngingitngit ang mga ngipin sa inis. It's been three weeks—Three fucking weeks simula nang hindi siya nagpakita sa akin. Matapos mangyari 'yon ay inuwi niya lamang ako na para bang walang nangyare. I wasn't in the right mind to think that time. Basta lamang ako nagpatangay sa kung anong gusto niyang gawin. I wasn't in my right mind na maski ang pagkulong niya sa akin sa kwartong ito ay hindi ko na napansin!

After what happened, he didn't let me go out in this room. Tuwing papasok sila ay i-lolock nila ang pinto, tuwing lalabas, bukod sa nakalock na ang pinto, naririnig ko rin ang pagkalansing ng kung ano sa labas. Kinakandado nila para siguradong hindi na talaga ako makaka-takas. Now, i really feel like a prisoner. I sighed. I regret provoking Malfoso.

Ganon ang nangyare sa mga sumunod pang araw. Papasok lamang sila kapag bibigyan nila ako ng pagkain, lalabas din agad kapag nailapag na. Maririnig ko ang kalansing ng kandado at ang mga yapak nila palayo sa kwarto. Babalik lamang ulit kapag alam nilang tapos na akong kumain. Kukunin ang pinag-kainan ko saka muling lalabas at ikakandado ang pinto. I do feel like an animal right now. Pakiramdam ko ay isa akong hayop na may matinding sakit na kailangang mailayo sa mga tao para hindi na makahawa pa. Sa mga araw na 'yon ay maski anino ni Magnus ay wala akong nakita. Maski boses niya lamang sa labas ng pinto ay wala akong narinig. I don't know if i should be happy about it. Hindi ako binibigyang pansin ng boss nila, hindi din ako sinasaktan. Pakiramdam ko ay ako ang boy version ni Rapunzel na  hindi pwedeng lumabas.

Namaluktot ako ng higa yakap yakap ang isang unan. Nakaharap sa may bintana. Nakabukas 'yon ngayon. Binuksan ko para naman magkaroon ng buhay itong kwartong ito. Nakakabagot. Nakaka stress makulong sa isang lugar na ikaw lang mag-isa. Kapag talaga nagulat pa sila kapag kinausap ko na ang sarili ko dito habang tumatawa ay mababalibag ko talaga sa kanila itong hinihigaan ko. Gawa sa bakal ang bintana, jalousie window 'yon kaya hindi talaga ako makakalusot para lumabas.

Nag-unat ako. Pinapakiramdaman kung buo pa ba ang katawan ko. I have been imprisoned here for more than a month! Sa tanang buhay ko ay ito na ang pinakamatagal na pananatili ko sa isang lugar. Pilit akong tumayo saka bagot na hinila ang twalyang nasa paanan lamang ng higaan ko. Why not? Nakakulong lang ako dito, tingin ba nila ay mag lilinis ako? I've been lying down for three days, pang apat na ito. Pakiramdam ko ay ang lagkit lagkit ko na. When i said I have been lying down for three days, literal na nakahiga lamang talaga ako. Hindi ako kumilos o tumayo man lang para asikasuhin ang sarili ko. What for? As if may aamoy sa akin.

Tila buhat-buhat ang mundo sa bagal kong mag lakad papunta sa banyo. I took a quick bath at agad ding lumabas na tanging twalya lamang ang nakatapis sa pang ibabang bahagi ng katawan ko. Kahit nakaligo na ay pakiramdam ko pagod na pagod at inaantok pa rin ako. This is one of the bad effect nang pagkulong nila sa akin dito sa kwarto. Naiinis akong isipin na lumambot na ang mga muscles na pinaghirapan ko. I feel so weak, nanliliit ako sa katawan ko.

Triggered Lovebeat (Malfoso series #1 bxb)Where stories live. Discover now