Anong gagawin mo sa oras na malaman mo na huling araw mo na ngayon sa mundo?
Siguro nga hindi lang ako ang paminsan-minsang napapaisip na what if hindi na ako magising bukas? What if last day ko na 'to?
Am I living a worthwhile life? What is a worthwhile life to live anyway?
Ang magkaroon ng maraming pera? Bahay? Kotse? Lupa? Negosyo? Maging sikat? Magkaroon ng million followers? Makapag-travel all around the world? Makatuluyan ang man of your dreams?
Kung totoo man na iyon ang pamantayan ng worthwhile living—bakit marami pa ring mayaman ang miserable ang buhay? Bakit maraming mga sikat na tao ang nalululong sa droga, sa depression, at malala'y kinikitil ang sariling buhay?
If reaching happiness is only the motivation to live then until when? Hanggang kailan makukuntento ang isang tao at magkakaroon ng kapayapaan sa puso niya?
Mahilig akong mag-isip ng ganitong bagay. Mahilig akong magmuni muni at mag-reflect. Noon, ang akala ko lang ay ang ultimate purpose ng isang tao sa mundo ay ma-fulfill ang mga greatest dreams niya—pero hindi pala.
Natupad ko ang pangarap ko, naging tanyag sa larangang pinasok, maraming mga tiga-hanga subalit natagpuan ko ang aking sarili na may matinding kulang sa loob.
My belief changed when I realized that all these shiny things that we're pursuing are fleeting. My life changed when I sought God sincerely.
And these stories are my testimony. A servant of God, which I believe is a prophet, once told me that my destiny is to become a "chronicler", someone who would tell stories about hope, miracles, and faith. I want to fulfill that by starting this memoir.
Believe it or not, the question I asked above is what compelled me to finally write this online.
Just in case I die, at least nakwento ko ang mga naranasan at nasaksihan ko habang nandito ako sa mundo. At least, I shared my testimony and I pray that this will be found by those who will need it.
Hindi ko alam kung alam ako kung saan humugot ng lakas ng loob para gawin 'to. Basta alam ko, hindi ako nag-iisa na isulat ito dahil alam kong kasama ko ang Diyos sa bawat kwentong ibabahagi ko sa inyo.
I believe, lahat tayo—isang araw iisa lang ang patutunguhan.
Kaya na-realize ko na kung isa lang ang buhay natin—bakit hindi ko pa gawin kung anong pinaka-importante? Na para sa akin ay gawin ang kalooban Niya na lumikha sa akin. Ang magsulat.
Ikaw? Ginagawa mo na ba 'yung pinaka-importanteng bagay na sa tingin mong dapat mong gawin? O masyado kang distracted sa mga makamundong bagay? O baka maaaring hindi mo pa alam kung ano 'yon. Alam ko, mahirap talaga kapag hindi mo alam kung ano 'yon.
I invite you to join me on this journey of faith and healing, trusting that even in our most broken moments, there is always hope.
And I also pray that God reveals to you what you are always meant to do. Because time is fleeting, and we will die one day. If you ask yourself on your deathbed: Nagawa ko ba ang purpose ko sa mundo?
Anong isasagot mo?
"𝐅𝐨𝐫 𝐈 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐬 𝐈 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮 𝐝𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝, 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐩𝐞𝐫 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐧𝐝 𝐧𝐨𝐭 𝐭𝐨 𝐡𝐚𝐫𝐦 𝐲𝐨𝐮, 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐠𝐢𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐡𝐨𝐩𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐚 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞."
-Jeremiah 29:11
BINABASA MO ANG
Just in Case I Die (A Memoir)
SpiritualJust in case I die this is my story. A sojourner's tale about grace, healing, and redemption.