4-The writer of my story

347 21 18
                                    

August 30, 2024

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

August 30, 2024

I stood in front of them and couldn't help but wonder... I used to be like them,  I used to be in high school too. Dreaming of becoming something and dreading what is waiting in the future.

Hindi naman na 'yon ang unang beses na maimbitahan ako sa isang school para magbigay ng talk o worskshop tungkol sa pagsusulat, pero hindi ko pa ring maiwasang kabahan sa tuwing tinatawag na ang pangalan ko. 

Nang matapos ang talk, pinalibutan ako ng mga estudyante para humingi ng autograph at ng picture. At isa sa kanila ang nagsabi sa akin na, "Na-inspire na po akong ituloy 'yung story ko."

Kung minsan hindi ko maiwasang isipin kung may kabuluhan ba ang ginagawa ko. Hindi naman ng limpak-limpak na pera rito pero sa tuwing maririnig ko 'yung mga salitang 'yon o mabasa sa comment ay nagkakaroon ako ng kalakasan para ituloy lang ang sinimulan ko. 

Sakto sa aking pagbabalik-tanaw ang araw na 'to sa naganap na workshop kanina. Kung makakausap ko ang batang ako ay paniguradong masusurpresa siya na ang mahiyaing si Demielle ay nakapagsasalita na sa harapan ng maraming tao. 

At higit sa lahat, tiyak kong masusurpresa siya kapag nalaman niya na natupad ang munti niyang pangarap na maging nobelista at makapag-limbag ng libro. 

Isang eksena ang hindi ko makakalimutan noong kabataan ko. Gabi, may kapiranggot na ilaw, nagbabantay ako sa sari-sari store namin habang nagsusulat. Pino-problema ko noong mga sandaling 'yon kung paano ba maging published author. 

Ang alam ko lang noon ay kailangang magpadala ng manuscript sa publishing house at pagkatapos titingnan nila kung maganda ba o hindi ang sinulat mo.

Pangarap ko nga lang no'n maging romance pocket book writer. Kaso, problema ko rin kasi tingin ko hindi ako magaling. Tingin ko ang bata-bata ko pa masyado at hindi naman talaga ako marunong magsulat. 

Paminsan-minsan ay napupuri ako ng mga Filipino teacher ko noong elementary at high school dahil sa pagsusulat ng sanaysay o essay. Kaso noong sinubukan kong sumali sa student newspaper ay hindi ako nakapasa ng ilang beses. Pati mga contest sa pagsusulat sa school sinubukan ko rin at hindi pinalad na dumagdag lang sa insecurity ko.

Kaya nakuntento na lang ako magsulat sa notebooks at tanging mga kaklase ko lang ang nakaka-appreciate. 

Until Wattpad came and it was a game changer. I was surprised and delighted to have a platform where I could write freely and without judgment in my writing style. Siyempre noong una, walang nagbasa agad ng gawa ko.

I was always thinking during those times, "Writer ba talaga ako?" Kahit na nagsusulat na ako sa Wattpad, parang may kritiko sa loob ko na nagsasabi na... "Hindi! Hindi ka writer! Nagsusulat ka LANG sa Wattpad!" 

Dala-dala ko ang takot at insecurity sa pagsusulat noong college. I tried to join the univesity's school paper at finally, may kung anong himala ang nangyari. Nakapasa ako. I felt validated to be part of it, to be honest, it felt like finally... Writer na ako! 

Pero ibang-iba pala ang galawan sa university. Kaya in the end, isang taon lang ang tinagal ko sa pagsusulat sa diyaryo ng school. 

When the pioneer Wattpad writers like Haveyouseenthisgirl first published Diary ng Pangit, it gave hope for me. At alam ko hindi lang ako ang manunulat na nagkaroon ng pag-asa na meron palang patutunguhan ang pagsusulat sa Wattpad. 

The rest was history ika nga. Hindi ko rin alam exactly how my writing career began to rise. Basta, ang alam ko lang noon, gustong gusto kong maging published author katulad ng mga hinangaan ko. 

Marami ngang nagtataka kung bakit ang layo ng kurso ko sa pagsusulat. Sadly, katulad ni Molly sa Wake Up, Dreamers, I was also discouraged to pursue a writing degree.

"Walang pera sa art." Pamilyar naman tayong lahat sa ganyang linyahan. 

I used to carry resentment in my heart towards my parents for not supporting me to pursue a college degree in writing. But later on, noong tumanda na ako ay napagtanto ko na... well, it still turned out good. I forgave them for that long ago. 

Kung minsan darating talaga 'yung araw na ikaw 'yung mismong uunawa sa mga naging desisyon ng ibang tao, kahit pa magulang mo. 

Changing your perspective is a big help to understand the people around you. Naisip ko na kung hindi ako nag-aral sa kung saan ako nagtapos ng kolehiyo, hindi ko makikilala 'yung mga naging kaibigan ko roon. Hindi ko mararanasan ang adventurous college life sa Manila. 

I wrote The Peculiars' Tale when I was in college because I was so afraid of the future. I was always anxious about what was going to be. 

But if Jill Morie could talk to my younger self, siguro ita-tap niya ako sa ulo at sasabihing, "You'll reach your dreams, Demi, but it won't be a smooth road. You'll have friends by your side, but they won't stay. And it's okay. You'll meet Someone in the future who will never leave you."

Akala ko noon, ang buhay ko... it's all about me and my dreams. Pero hindi pala.

Looking back, I finally saw that God is in my story... from the beginning, the climax, the conflicts, and until today. 

The fear and anxiety are still here, but knowing that there's Someone who never leaves me, is a big comfort to my fragile heart. 

I don't know until when I'm going to write, or until when I'm going to teach others how to write. I don't know if I can still reach my new dreams... 

My twenty-seven years are just like chapters in my book na may mga gusto akong balik-balikan, may mga gusto akong punitin pero... 

Isa lang ang sigurado ako. 

God is still writing my story, and He's not finished yet. 


Let me share with you some of those chapters in my life... 




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just in Case I Die (A Memoir)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon