3-To the child who is always left behind

340 23 10
                                    

Bata pa lang ako, takot na akong maiwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bata pa lang ako, takot na akong maiwan.

Sa tuwing hinahatid ako ng papa ko sa school at kapag nakita ko na umalis na 'yung sasakyan niya sa labas ay papalahaw na ako ng iyak habang ang teacher ko'y makukunsumisyon na naman kung paano ako patatahanin.

Ganoon lagi ang eksena tuwing umaga sa kindergarten.

Minsan nga'y napikon yata 'yung teacher ko sa'kin at tinanong ako, "Ano bang problema mo? Bakit ka umiiyak?"

Ang nanay ko naman ay isa lang ang suspetya noon, "Sinusungitan ka ba ng teacher mo?" at alam ko na handa siyang sumugod kung oo ang sinagot ko.

Pero hindi ko rin alam kung bakit noong mga panahon na 'yon.

Normal naman yata sa mga ilang bata ang magkaroon ng separation anxiety kapag hinahatid sa eskwelahan.

Kaya ang solusyon, binabantayan ako noon ng nanay ko. Gusto ko natatanaw ko siya sa labas, at kapag nawala siya sa paningin ko—ay, sigurado papalahaw na ako sa iyak.

Minsan nga'y nabahala ang Principal at tinanong ang nanay ko, "Naku, misis, makakatapos kaya ang anak n'yo?"

Sa kabutihang palad, natawid ko naman ang dalawang taon sa kinder.

Pero hindi nawala ang separation anxiety ko hanggang grade four.

Kung noong kinder ay tuwing umaga ako umiiyak, mula grade one hanggang grade four ay umiiyak naman ako tuwing uwian.

Paano ba naman kasi ay 'yung mga "service" o sundo ko noon ay laging late dumating—'yung tipong lahat ng mga estudyante nakauwi na at ako na lang ang pagala-gala sa campus. Palagi akong nakakalimutang sunduin, at ito namang pamilya ko ay para bang nakakalimutan din na bakit hindi pa ako umuuwi. I guess kabilang ako sa sumpa ng "middle child" syndrome, yung laging nakakalimutan.

Siguro noon ko natutunan 'yung pagiging matiisin, 'yung maghihintay ako nang matagal at pagala-gala lang sa loob ng campus. Hanggang sa kapag napansin kong parang dumidilim na 'yung paligid at mare-realize ko, nakalimutan na akong sunduin. Umiiyak akong pupunta ng faculty room para sabihin sa adviser ko na wala pa rin akong sundo.

I guess I grew up with a subconscious fear of abandonment. I kind of find it ironic that I have the fear of being left behind when I also grew up loving solitude.

Dahil malayo ang edad ko sa dalawa kong nakatatandang kapatid, lumaki akong naglalaro mag-isa na madalas sa ilalim ng lamesa kasama ang mga imaginary friends ko.

I remember writing Dalaga na si Remison to remember my childhood, and most of the parts sa umpisa ay hango sa mismong karanasan ko. The Duluhan, a large backyard that is like a haven forest to me, is real and was my playground.

Marami akong kalaro noon sa Duluhan, mga anak ng tenants na nakatira sa compound ng pamilya namin. Kaya maswerte-swerte rin ako na naranasan ko 'yung maglaro ng malaya noon. Baka nga dahil doon ay nagkaroon ako ng spirit of adventure and love of outdoors, and to explore.

It was a happy childhood for me. I remember climbing trees, playing with mud, and smelling like the sun, I also loved to visit our neighbors' houses and even tried to hide under their beds. It was silly of me to love to talk with adults. Looking back I was grateful because I grew up adventurously without any harm.

Pero maaga rin akong namulat sa konsepto na hindi lahat ng mga tao sa buhay mo ay magtatagal. Isa-isang nawala ang mga kalaro ko dahil kinailangan na nilang lumipat ng bahay sa iba't ibang dahilan.

I remember waking up one summer, lonely and alone in Duluhan, because all of my childhood friends are gone. May mga dumating naman ulit, kaso puro lalaki na sila, I loved playing basketball and tumbang preso with them. But then, as time goes by, they went away as well. May mga pinsan ako na nagbabakasyon sa'min pero umuuwi rin sila matapos ang ilang linggo.

The only salvation from loneliness every summer goodbyes is the season of back to school. Laging magkahalong lungkot at excitement sa tuwing sasapit ang pasukan. 'Di kalaunan, nilubog na sa baha ang Duluhan, at doon na nagwakas ang adventurous childhood ko.

With my playground and childhood friends gone, that was the time that I found refuge in writing and reading. At doon ko natuklasan, mabuti pa ang mga kwento at libro—hindi ka iiwan.

To the child who is always left behind, God gave her the gift of imagination and the power of storytelling—to save her from sadness.

Bata palang ay mahilig na ako sa mga kwento—kwentong kababalaghan, kwento ng mga matatanda, kwento ng mga puno ng hiwaga at misteryo. Marami akong mga tanong pero walang makapagbigay ng tamang sagot.

Hindi naman pala malungkot ang mag-isa kapag may kaakibat kang mga karakter ng kwento na dadamay sa'yo.

Grade three nagsimula akong mag-eksperimento sa pagsusulat, pumupuslit ako ng bondpaper sa maliit naming tindahan at nagsulat ng kwentong sulat kalabaw.

And I also discovered that stories can bring people together when I started sharing it with my classmates. Ginagawa ko silang mga bida at natutuwa sila. Araw-araw inaabangan 'yung notebook ko kung may update na ba ako sa mga short stories ko—siyempre, sila ang bida, eh.

Through stories, my thirst for adventure was satisfied. Then, I discovered the world of romance when I became curious about my sister's cabinet full of Tagalog pocketbooks.

And from that, I started to dream.

I want to become a novelist when I grow up.

I want to have my stories published.

But... I don't know how. 



Just in Case I Die (A Memoir)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon