Prologue.

14 4 1
                                    

"Avory... please..." Pagmamakaawa ko. Halos lumuhod na ako sa harapan niya mapansin niya lang ang mga pagmamakaawa ko.

"Midnight, ano ba? Ayoko na." Madiing sabi niya habang pilit na inaalis ang kamay ko sa kaniya.

"Avory... please tell me your reason... why are you doing this?" Kahit na pilit niyang inaalis ang kamay ko sa kaniya ay hindi pa rin ako nagpapaawat. Hindi ko siya maintindihan, kahapon ay maayos ang relasyon namin pero ngayon ay gusto niya ng tapusin.

"I just don't love you anymore." Hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihin 'yon, wala man lang pag-aalinlangan ang pagkakasabi niya.

"Avory, what the hell?! Ano 'yon nagising ka nalang na hindi mo na ako mahal? Ganon ba 'yon?!" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Tangina naman kasi bigla nalang naging ganon?

"Oo!" Sigaw niya pabalik sa akin.

"Akala ko ba ay matalino kang tao?! Bakit ba simpleng 'ayaw ko na' ay hindi mo maintindihan?!" Dagdag niya pa na mas nagpagulo lang sa isipan ko.

"Tangina naman kasi Avory! Ano ba naman kasing klaseng rason 'yan?! Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Ikaw na mismo ang nagsabi, matalino akong tao, kaya hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo!" Sagot ko pabalik sa kaniya, hindi ko maintindihan si Avory, hindi kapani-paniwala ang mga binibigay niya sa aking dahilan. Para niya akong pinaglalaruan.

"Edi 'wag kang maniwala, Midnight! Itatak mo sa isip mo na hindi na kita mahal kaya tatapusin ko na ang relasyon natin! Tangina Midnight, hayaan mo na ako!"

YOU LOOK LIKE MY FIRST LOVEWhere stories live. Discover now