Chapter 2.

15 3 0
                                    

Ivery's POV.

"Ivery, asikasuhin mo nga yung bagong pasok na customer." Tumango ako sa sinabi ng manager. Lumabas ako ng counter para salubungin ang bagong pasok na customer. Agad ko itong namukhaan dahil ito ulit ang babaeng nagtanong ng pangalan ko.

Magara na naman ang suot niya at may mga hawak siyang papeles.

"Ayusin mo ah, ceo 'yan, baka malaki ang bigay niyan." Bulong sa akin ni Ria, co-worker ko.

"Gago." Bulong ko rin sa kaniya.

Lumapit ako sa CEO at binati ito.

"Good afternoon, ma'am. What's your order po?" Tanong ko dito habang nakangiti.

"Glad you're here." Saad niya agad sa akin at tiningnan ako ng malandi.

"Opo." Sagot ko nalang sa kaniya.

"What's your order po?" Tanong ko sa kaniya.

"Ice macchiato and donuts, 3 pieces." Sinulat ko sa papel ang order niya.

"And you." Pahabol niyang sabi na nagpatingin sa akin.

"Po? Wala po ako sa menu hehe." Sagot ko sa kaniya. Napahawak siya sa sintido niya.

"J-just give me my order, goddamn." Napasandal siya sa upuan niya. Tumango ako at hinanda na ang order niya.

Pumunta na ako sa table niya para ihatid ang order.

"How much?" Tanong niya ulit.

"557 po." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Nagbigay siya sa akin ng 700 at agad ko naman siyang sinuklian.

"Here's your change po, 143."

"I love you too." Napatingin ako sa sinabi niya. Nakangisi siya ngayon sa akin, bakit ang random niya palagi?

"Ha?" Pinag-isipan ko pang mabuti kung bakit siya nag-"i love you too".

Ah, okay gets.

Kasi nagsabi ako ng 143? sus, assumera ka naman, ma'am.

"Ahaha, nice joke po." Ngumiti ulit ako sa kaniya, yung ngiti na halos pumikit na ang mata ko.

Mukha siyang nahiya sa sarili niyang banat kaya naman umiwas siya ng tingin at pinalayo na ako.

Inasikaso ko na ang iba pang mga customer pero pinatawag niya ulit ako.

"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya.

"May I know your number?" Inilahad niya sa akin ang halatang mamahaling cellphone niya.

"Po? wala po akong cellphone." Sagot ko naman sa kaniya. Napakunot ang noo niya at nagsalita.

"Really? Bakit may account ka sa blue app?" LUH? BAKIT NIYA ALAM?

Sikat na ba ako? Baka nga, ehe enebe.

Dahil sa sarili niyang sinabi ay pati siya ay nagulat.

Sasagot sana siya pero naunahan ko na.

"Ah, ayun po ba? Ginawan po kasi ako ni Jaila ng account para po sana sa gc ng univ namin, kaso nga lang po ay wala na akong cellphone dahil nanakaw. Sobra nga po akong nalungkot dahil doon pero ayos lang naman, kaya ko naman mabuhay ng walang cellphone. Kaya kung tinatanong niyo po ang number ko, wala po ako kasi wala naman akong cellphone hehe." Mahaba kong sagot sa kaniya. Sana ay kinuwento ko nalang ang buong buhay ko.

"Jeez, ang simple ng tanong ko, parang life history pa ang sagot. Anyway, is it oka- oh nevermind. Yeah, you can go back to your work." Tumango nalang ako sa kaniya.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya ng coffee shop.

Break time.

Makaka-idlip na sana ako pero bigla akong niyugyog ni Ria.

"May naghahanap sayo, 'te." Iminulat ko ang mata ko at tumambad sa akin yung CEO kanina.

"Ikaw na naman po?" Inaantok kong tanong.

"Yeah. Here." May inabot siya sa akin na nakalagay sa isang bag.

"Ano po 'to?" Binuksan ko ang bag at nakakita ako ng CELLPHONE?!

"CELLPHONE?!" Gulat na sigaw namin ni Ria. Bagong bago ang cellphone, sealed pa.

"Para kanino po?" Tanong ko sa CEO.

"For you." Mabilis na sagot niya.

"Sa akin po?! Ay, hindi ko po 'to matatanggap, ayos lang po." Ibabalik ko sana ang cellphone pero ayaw niyang kunin.

"Akin nalang." Singit ni Ria. Sinamaan ng CEO ng tingin si Ria kaya naman napatago si Ria.

"Bakit po? Bakit mo ako bibigyan ng cellphone? mamahalin pa po 'ata 'to." Kamukha kasi nito ang cellphone ng CEO.

"You said your phone got stolen, so I bought you a new one. Now, can I have your number?" Napanganga nalang ako sa sinabi niya.

"Wala po akong simcard." Nahihiya kong sagot sa kaniya.

"Oh damn." Napahilot nalang siya sa noo niya dahil sa naging sagot ko.

YOU LOOK LIKE MY FIRST LOVEWhere stories live. Discover now