Chapter 6.

4 3 0
                                    

Azyre:
I did not plan this chapter well, may it turn out well.

Anw, enjoy reading!

────୨ৎ────

Ivery's POV.

1 week ko nang hindi nakikita si Midnight. Naging ghost na 'ata or nang-ghost?

Hindi naman ako naaapektuhan dahil hindi ko pa naman siya nagugustuhan. Tsk, ganyan ba dapat ang manliligaw? Hindi magpaparamdam? Dapat consistent siya.

Scroll lang ako nang scroll sa isang app, for entertainment lang. Ang boring kasi eh, tapos wala pa akong pera.

Ay meron pala kaso ibabalik ko kay Midnight. Paano niya nalagay yung 5k sa pocket ko eh hindi ko naman kinuha? Tsk tsk.

"Ahhhh Jaila, gutom na ako, bili ka naman oh." Pagmamaktol ko.

Nilahad sa akin ni Jaila ang palad niya.

"Akin na yung pera." Napakunot ang noo ko.

"Best friend mo naman ako, libre mo nalang." Ngumiti ako sa kaniya.

"Ha? Ano 'yon? 'Di ko marinig." At umalis na siya. Napairap nalang ako at tumihaya nalang.

Maya-maya pa ay may kumatok na naman sa amin. Siguro si Midnight na 'to, baka magpaparamdam na siya.

Pumunta si Jaila sa pintuan para tingnan kung sino ang kumakatok.

"Ivery" Siguro si Midnight 'to, tinatawag lang naman ako ni Jaila kapag nandito si Midnight.

"Oh?" Tanong ko sa kaniya.

"Hehe... may parcel..." Akala ko pa naman si Midnight. Nakangiti ngayon si Jaila, pero yung hindi sincere.

"Oh? Wala akong inorder. Diba sabi mo may inorder ka last week?" Saad ko sa kaniya.

"Oo, pero wala pa akong pera hehe, nagastos ko." Kingina.

Alam ko na 'to eh. Tumayo na ako at pumunta sa pintuan.

"Kuya, magkano po?" Tanong ko sa kuyang rider.

"4,980 pesos po, ma'am." Napanganga ako sa presyo. Kinginang parcel yan. Sinamaan ko ng tingin si Jaila.

Kinuha ko ang 5k sa wallet ko at nagbayad.

"Ma'am, bente pesos nalang, keep the change po?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng rider.

"Kuya, wala na nga akong makain." Walang ganang sambit ko, agad namang binigay ni kuyang rider ang bente pesos at umalis na.

"Ano ba 'to?" Nakasimangot na tanong ko kay Jaila.

Grabeng parcel 'to, pang-isang linggo kong budget eh.

"Ano 'yan, mystery box." Kinuha ni Jaila ang parcel niya.

"MYSTERY BOX?! P4,980?!" Gulat na saad ko. NYETA, HINDI PA NIYA ALAM KUNG ANONG LAMAN NG BOX NA 'YAN?!

"Oo eh..." Napanguso si Jaila. Napaupo nalang ako dahil biglang nanghina ang tuhod at sumakit ang ulo ko.

"Jusko naman Jaila, hindi mo nga alam kung anong makukuha mo diyan." Napahilot ako sa noo.

YOU LOOK LIKE MY FIRST LOVEWhere stories live. Discover now