Chapter 1.

15 3 0
                                    

5 years later.

Midnight Arellian's POV.

It's been five years, but that scenario never fades. Pumunta ako sa isang cafe para magpahinga kahit saglit lang.

Pilit ko pa ring hinahanap si Avory, limang taon na. Pero kahit ang anino niya ay hindi ko matagpuan.

Gustong gusto ko pa rin siya, hindi pa rin ako nakaka-move on sa kaniya.

She was my first love, my first in everything.

Gustong gusto ko siyang makit-

"Ma'am!" Nawala ako sa pagmumuni-muni ko nang may sumigaw sa akin. Inis akong lumingon dito ngunit sa paglingon ko ay hindi ko inasahan ang nakita ko.

"Sorry po, nagulat ko po ba kayo? Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag pero hindi niyo po pinapansin. Ano pong order niyo?" Tanong nito. Tinitigan ko lang siya, hindi pa rin makapaniwala.

"Avory..." Pagtawag ko. Lumingon ang babae sa paligid niya bago ulit tumingin sa akin.

"Ha? sino po 'yon?" Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa kaniya.

"Ako po? ay hindi po ako 'yon, Ivery po ako, eto oh nasa I.D ko po." Tinuro niya ang I.D niya at tiningnan ko ito.

Tsk, funny, of course she's not Avory. But... she looks like my first love.

"Caramel macchiato." Umiwas ako ng tingin.

"Noted po, please wait for 3 to 5 minutes, thank you." Umalis na ang waitress.

Tiningnan ko ulit siya. Damn, she looks like Avory. You need to deeply stare at her just to find their differences.

Fuck, I thought I saw her.

Muntik ng matapilok ang waitress, careless siya samantalang si Avory ay hindi.

Avory has this classy move. While this one? Hm, clumsy.

Inalis ko na ang paningin ko dahil baka mahalata ako.

After 3 minutes ay dumating na ang order ko.

"Do you want additional po?" Tanong niya na ikinailing ko.

"How much?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya, nakikita ko talaga sa kaniya si Avory.

"275 po for grande." Binigyan ko siya ng 300.

"Keep the change." Saad ko. Ngumiti sa akin ang waitress.

"Ehe, thanks po." Napakunot ako. Ehe? What is that?

Tumango sa akin ang waitress bago ako iwan. Tinitingnan ko lang ang bawat galaw niya habang umiinom ng kape. Palangiti siya, halatang social butterfly.

Muntik na naman siyang matapilok, wala namang heels ang sapatos niya.

She's so careless.

Iinom na sana ulit ako pero ubos na pala ang kape ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at bigla nalang lumapit sa waitress.

"What's your name?" I asked out of nowhere. Pati siya ay nagulat sa tanong ko.

"Ay puk- ehem. Bakit po?" Tanong niya sa akin.

"What's your name?" Pag-ulit ko sa tanong ko.

"Ivery po." Tinuro niya na naman ang i.d niya, oo nga pala.

"Ah sige, share mo lang."

Ivery Romero's POV.

"Ah sige, share mo lang." Aba ayos 'to ah.

"Luh? Magtatanong ka tapos ganyan po?" Pinipigilan ko ang hindi umirap.

"Just kidding. Ivery what?" Tanong niya ulit sa akin.

Daming tanong, nagagandahan siguro sa akin 'to. Bading ba 'to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Para siyang bading.

Hindi sa pangj-judge ah pero mukha talaga siyang bading, no joke.

"Romero po." Sinagot ko na ang tanong niya. Tumango na siya at tinalikuran ako.

Eh?

Lumabas na siya ng coffee shop at napakamot naman ako sa ulo ko.

Ang random naman.

Midnight's POV.

"Sam, I really thought that was her." Sambit ko at uminom ng beer.

"You're crazy. What does she looks like?" Tanong niya sa akin.

"She looks like Avory nga." Sagot ko sa kaniya.

"Who's prettier?" Nakangising tanong ni Sam.

"Of course Avory." Mabilis kong sagot. Tinatanong pa ba yan?

"Do your remember her name? Let me search her."

"Ivery.. Roman... no, Rimero." Kinuha ni Sam ang cellphone niya at sinearch ang Ivery Rimero.

"Dumbass, Ivery Romero lang ang lumabas." Sinilip ko ang cellphone niya at nakita ko ang profile picture ng waitress kanina.

"Ayan oh, that's her." Pinindot ni Sam ang profile picture ni Ivery.

Tiningnan niya ito at bumaling sa akin habang nakangiti.

"Yeah, she kinda looks like Avory but this one is prettier." Nakangisi siya sa akin. I only rolled my eyes at her response.

"Hay, I thought I saw her." I sighed.

"Why not make the first move with this girl? I'm pretty sure Avory won't come back to you, so why not go for someone who looks like her?" Napatingin ako sa sinabi ni Sam.

"What do you mean?" Seryoso kong tanong.

"Kaysa naman magmukmok ka diyan, limang taon na yang pagmumukmok mo, nakakasawa." Tumatawang saad niya.

"What should I do?" Tanong ko kay Sam. Tumingin siya sa akin at ininom ang beer niya.

"Court her. If you can't have Avory, then go for the one who looks like her."

YOU LOOK LIKE MY FIRST LOVEWhere stories live. Discover now