2

39 2 0
                                    

                Sa aking panaginip ng gabing iyon ay naramdaman kong muli ang haplos ng aking papa. Nagkasama kaming muli, uminom sa paborito naming café at kumanta ng mga lumang awitin na madalas naming pakinggan. Namimiss ko na talaga siya, ngungulila ako sa kaniya. Papa, bakit? Naramdaman ko ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko, pagkagising ko ay pinagpatuloy ko ang pag-iyak na ito.

                  Umaga na, narinig ko na ang kantyawan ng mga bata na papasakay sa school bus nila. Bumangon ako at inayos ang aking sarili. Naligo at kumain ng almusal na tira tira lamang ng kinain ko kagabi. Katulad na nakasanayan ay nanood ako ng telebisyon at tinawagan ang naiwan kong empleyado sa pilipinas.

                   Ngunit may dumating na hindi ko inaasahan. Narinig ko ang tunog ng doorbell, mayroon akong hindi inaasahang bisita? sino kaya ito? wala naman akong kilalang kaibigan na naririto ngayon sa California. pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang lalaki sa café kahapon. Nginitian niya ako at nakita ko ang napakaputi at buo niyang ngipin. Lumabas din ang mga biloy na nagtatago sa kaniyang dalawang pisngi.

                     Ngunit mabilis akong nakabawi mula sa kalituhan at pagkataranta ko sa knaiya, napagdisisyunan ko na tanungin siya.

“How may I help you?”,tanong ko sa kaniya ng pinipigilan ang pag ngiti.

“Hi, I’m Ric, Are you miss Ellysa Rogers?”,tanong niya sa akin habang nakatitig sa akin.

                      Paano nalaman ng istrangherong ito ang pangalan ko? paano niya ako natunton?

“yes, I am, How did you get my name?”,tanong ko sa kaniya.

“ohh, you left your i.d in the café yesterday”,sabi niya habang nakangiti pa rin

                      Hindi ko alam ngunit natuwa ako sa isipin na pinuntahan niya ako dito. Pangalawa na lamang ang Makita ang i.d na hindi ko naman napansin na wala. Matapos nito ay inanyayahan niya ako na pumunta sa labas upang mamasyal na sinang ayunan ko naman.

                      Natuwa ako dahil ang dami naming napuntahan na mga lugar. Natuwa ako dahil unang beses kong naramdaman na may kaligayahan nga pala sa mundo matapos ang ilang taon nang nakalipas. Sinundan ng bawat araw ang pag sasama namin sa pagpunta sa iba’t ibang lugar, napag alamanan ko na isa siyang half Filipino half American. 23 anyos at nagtapos ng senior high school.

                      “isa akong musikero, mahilig akong tumugtog, kaya ayoko nang magcollege, pero hindi ko nga alam, pakiramdam ko kasi, kung maihahambing ako sa kanta, may melody ako pero walang lyrics, parang puro himig lang, walang sense, hindi ko alam kung bakit” wika niya

“ikaw lang ang makakaalam ng sagot sa tanong mo”, wika ko.

“alam mo, pakiramdam ko matagal na kitang kilala”, wika niya habang nakatingin sa mga mata ko.

natakot ako, dahil pakiramdam ko nahuhulog na kami sa isat isa, hindi kami pwedeng umibig. hindi pwede.

“bakit ka napasimangot?”-tanong niya

“hindi ako naniniwala sa happy endings, hindi ako naniniwala sa fairytales”,sagot ko

“bakit naman?”,tanong niya

“basta lang”,sagot

Matapos noon ay hindi ko na siya kinausap pa o sinamahan pa.

Happily Ever After [one shot] (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon