Mabilis akong tumakbo upang maabutan ko siya kaagad, at hindi nga ako nabigo, dahil naabutan ko siya.
“Ric!” sigaw ko, lumingon siya sa direksyon ko at inakap ko siya ng mahigpit.
“Ella. . . . . . “
“Ric, mahal kita, patawarin mo ako sa pagtutulakan na ginawa ko sayo, Ric, handa na akong umibig ngayon, handa na akong mahalin ka, hindi na ako takot na manakit o masaktan. Mahal na mahal kita Ric”
“ella, Hindi na importante ang nakaraan, hindi ko alintana kung ano ang nangyaring pagkakamali noon, dahil parte na lang iyon ng kahapon, ang mahalaga sa akin ngayon ay ikaw, at ikaw. maraming salamat sa tiwala mo, maraming salamat sa pag-ibig mo, huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat maging karapatdapat lamang sa pag-ibig mo.”
Matapos nito ang isang matamis na halik. Kapwa kami umiiyak, nang mga sandaling iyon. Ngunit hindi iyon luha na sumisimbolo sa lungkot bagkus, luha ng saya at pag-ibig.
Ngayon, ay nakita ko na ang tag-sibol ko, ang totoong pag-mamahal na matatagpuan hindi sa mga mumunting libro ng fairytale kung hindi ang totoong pagmamahal na matatagpuan sa puso g bawat isa. Marahil noong una ay malungkot ang buhay ko, at pakiwari ko ay hindi kumpleto ang mundo ko, ngunit ngayon, nahanap ko na ang kulang sa buhay ko, ang pinakamalaking regalo sa akin ng Diyos, ang matutunan kong Magmahal, nang mahanap ko ang tunay na pag-ibig. At sisikapin ko na ang mga susunod na mga kabanata ng buhay ko ay magiging Happily ever after.
WAKAS
by Jazzgrace :)
BINABASA MO ANG
Happily Ever After [one shot] (complete)
Genç Kız Edebiyatıdo you believe in happy endings? She? she doesnt, hindi dahil sa ayaw niyang masaktan kung hindi dahil sa ayaw niyang makapanakit ng iba. will she ever be happy?