Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkita ni nag usap. Pakiwari ko ay nagbalik muli ang bagyo sa buhay ko, tulad ng sinabi ni Ric, isang melody na walang lyrics. Meaningless.
Isang hapon ay namili ako sa pinakamalapit na wallmart upang mamili, naglakad lamang ako upang makatipid. Hindi ko alintana ang bigat na napamili ko at pawis na pumagakpak sa aking noo.
Maya-maya ay may lumapit sa aking lalaking itim ang kutis at inambaan akong kutsilyo. natakot ako at napaupo, mabuti na lamang at dumating si Ric at tinulungan akong makatayo. Nilabanan niya ang naturang lalaki at di kalaunan ay tumakbo na lamang ito.
“ayos ka lang ba?”,tanong niya
“oo”,sagot ko
tinulungan niya akong dalhina ng mga napamili ko. Nahihiya ako kay Ric, una, dahil pinagtulakan ko siya, pangalaw dahil tinutulungan niya ako, pangatlo dahil tanga ako.
Naglalakad kami papunta sa bahay ko, tahimik kami, walang kumikibo, mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko kaysa sa ingay ng paligid. Hindi ko alintana ang California noise sa panahong ito, hindi ko alintana ang mundo.
“salamat Ric”,basag ko sa nakakabinging katahimikan.
Napatingin siya sa akin at muli, nasilayan ko ang ngiti niya. Pakiramdam ko, napatay ng mga ngiti na iyon ang kaba sa dib-dib ko, pakiramdam ko, may kung anong saya ang bumalot sa bato kong puso.
“wala iyon, basta ikaw”,sabi niya sa akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad nang umabot kami sa pinto ng bahay ko. Kapwa kami nakatingin sa isa’t-isa nang nagsimula siyang magsalita.
“May hinandang dinner ang mama ko sa bahay, napromote kasi ang ate ko sa kompanya na pinapasukan niya, baka pwede ka sanang maimbita, iyon lang ay kung gusto mo at—“ pinigilan ko na ang sususnod niya pang mga sasabihin sa pagtango ko. Nginitian niya ako muli at inintay ko siyang makaalis sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
Happily Ever After [one shot] (complete)
ChickLitdo you believe in happy endings? She? she doesnt, hindi dahil sa ayaw niyang masaktan kung hindi dahil sa ayaw niyang makapanakit ng iba. will she ever be happy?