4

48 3 0
                                    

               Sinundo ako ni Ric sa bahay ng mga bandang 6pm. sinuot ko ang bestidang blue na binili ko noong nakaraang summer. Nilakad namin ang daan papunta sa bahay niya. Malapit lamang ito kaya naman hindi na kami nag abalang magtaxi pa. Pagkarating namin sa kanilang pinto ay labis na kaba ang pumaloob sa puso ko. Pakiwari ko ay isa akong pagkain na ihahain sa mga lion. Isang pakiramdam na nararapat maranasan ng babaeng pupunta sa bahay ng kaniyang nobyo. nahihiya ako, sa isiping iyon, dahil hindi ko nobyo si Ric. Hindi maari.

               Hinawakan ni Ric ang kamay ko at nawala ang bawat bakas ng kaba sa buong katawan ko. Naging mabait ang Pamilya ni Ric sa akin. Mainit nila akong tinanggap sa kanilang tahanan. Hindi ko naramdaman na hindi ako parte ng pamilya dahil sa ganda ng pakikitungo na naranasan ko sa bahay nila.

“Ella, natutuwa ako at napunta ka, alam mo bang ngayon lang nagdala ng nobya yang si Ric! at Pilipina pa ! nakakatuwa!”, wika ng mama ni Ric.

                Nagulat ako dahil nobya ni Ric ang pagkakakilala nila sa akin, kaya’t sa paglalakad naming papauwi ay kinompronta ko si Ric.

“Ric, bakit ang alam ng mga magulang mo, nobya mo ako?”,tanong ko.

“Nabanggit ko kasi sa kanila ang nararamdaman ko para sayo”,sagot niya

“Hindi ba’t sinabi kong huwag mo akong mamahalin, hindi ko kayang magalay ng sarili ko sa ibang tao, hindi ko kaya!”

“Bakit Ella? sa loob ng Isang buwan ay nagkasama tayo! alam ko na pareho tayo ng nasa sa puso”

“nagkakamali ka Ric, Hindi ako maaring umibig, hindi ako maaring magmahal. . .  . . pasensiya na”

                  Agad akong pumasok sa bahay ko at naabutan ko ang aking mama na nasa sa sofa.

“Mama”, wika ko.

“Ella, totoo ba ang narinig ko?”,tanong ng aking mama

                   Hindi ako nagsalita, tumingin lamang ako sa mukha ng aking mama na nangingiyak ngiyak.

“anak, hanggang ngayon bay hindi mo pa rin ako napapatawad?”,wika ng mama ko sa garalgal na boses.

                      Hindi ako nakapagsalita, napako ako sa sandaling iyon. Sa sandaling Nalaman ko ang totoo. Noong nakaraang taon lamang, nang marinig ko ang usapan ng aking mama at ng kaniyang bagong asawa na si tito Alfred.

“Pero, paano si Ella, Esther, naawa na ako sa bata, kung ituring niya ang kaniyang ama ay parang ito ang criminal”

“huwag kang maingay Alfred, baka marinig ka ng bata”

“pero hindi ba’t totoo naman, na nagpanggap kang hindi moa lam ang totoo na wala naman talagang kabit si Rafael, pinagtakpan mo lang kataksilan natin!”

“tumatanda kang paurong Alfred! ngayon ka pa ba magsisisi kung kailan huli na ang lahat?”

                     natigil ako, at nahulog ko ang basong hawak hawak ko. Nabasag ito at lumikha ng matinding ingay.

“Ella!” nanlaki ang mga mata ni mama.

                      Noon ko naalala ang lahat ng pagtutulak na ginawa ko sa aking ama, lahat ng sakit na dinulot ko sa kaniya. Noon lamang ako bumawi, noong. . . . . . . huli na ang lahat. Lumipad ako noon patungo dito sa California noong nakaraang tag-araw. Naabutan ko na lamang ay isang malamig na bangkay. Leukemia ang unti unting pumapatay sa kaniya sa loob ng napakahabang panahon, pero alam ko na ang higit na pumatay sa kaniya ay ang trato ko sa kaniya. Tratong panghayop, samantalang wala naman siyang sala. Ngayon, nagsisisi ako, kung kailan huli na ang lahat. Hindi ko masasabing biktima ako ng kasinungalingan dahil matagal ang panahon na hindi ko inalam ang totoo, at wala akong ibang masisisi kung hindi ang sarili ko. Marahil ang dahilan kung bakit ayaw ko nang umibig ay hindi sa kadahilanang ayokong masaktan, kung hindi dahil sa ayokong makasakt ng damdamin ng iba. Ayokong may isa nanamang Rafael Roger ang mabibiktima, at masasaktan.

“anak, patawarin mo ako, ako ang may kasalanan ng lahat, anak, huwag mong hayaan na maging miserable ang buhay mo dahil lang sa pagkakamali ko, anak, panahon na para lumigaya ka, alam kong iyan din ang hangad ng papa mo, ang sumaya ka, mahal na mahal ka niya anak, at isa akong tanga na hindlangan ko ang pagsasama niyo, anak, ako na lang ang sisihin mo, huwag ang sarili mo, lumaya ka na anak, lumaya ka na sa pagkakamali ko”, paiyak na wika ng mama ko.

                         Inakap ko ang aking mama, tumulo ang mga luha ko, nawala ang lahat ng pait, puot at galit na dala ng nakaraan, lahat ay napawi ng pagmamahal at pagpapatawad. Mahal ko si mama, at siguro nga ay tama siya, nararapat lamang na pakawalan ko na ang lahat sa puso ko, sigurado akong gusto rin ng aking papa na ayusin ko ang mga buhol sa buhay ko. Nang magkalas kami ng yakap ay ngumiti ako at tumakbo papalabas ng bahay upang hanapin si Ric.

Happily Ever After [one shot] (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon