PART 3: The Nightfall

14 0 0
                                    

Napapaligiran ang buong palasyo ng makakapal at maiitim na usok mula sa malalakas at magkakasunod na pagsabog. Halos pitong araw nang walang tigil ang giyera at ang kalahating bahagi ng palasyo ay nilamon na ng apoy.

Hating gabi. Ilan lamang ang tala na makikita sa kalangitan ngunit ang malalaking mga apoy sa buong palibot ang siyang nagbibigay liwanag sa buong kaharian ng Gana.

Dumaan sila sa isang lihim na lagusang daan ng palasyo patungo sa isang ligtas na lugar. Halos hindi na makapagsalita ang mahal na Reyna habang sila ay naglalakad nang dahil sa sobrang sakit na dulot ng kanyang nararamdaman. Patuloy sa paghilab ang kanyang tiyan. Ramdam niya na sa anumang sandali ay handa nang lumabas sa mundo ang kanyang supling na nasa kanyang sinapupunan.

Nang makarating sila sa pinakadulo ng lagusan ay mayroong naka-abang na dito na isang karwahe. Inayos ng ilang mga sundalo at serbedora ang paglalagay sa karwahe ng mga dadalhing kagamitan ng Reyna sa paglalakbay nito patungo sa ligtas na lugar.

Hawak-hawak ni Haring Napoleon ang dalawang palad ng kanyang pinakamamahal na kabiyak. Pinaghahalikan niya ang mga palad nito.

"Mahal ko, nais kong tandaan mo na labis kitang iniibig, higit pa sa buhay na taglay ko. Hanggang sa aking kamatayan ay hindi magwawakas ang aking pag-ibig." Marahan niyang hinimas ang parteng tiyan ng kanyang kabiyak. "Patawad mahal ko, kung ako ay magpapaalam muna sa sandaling ito. Tiyak ko na sa pagsilang ni Israel ay masayang sasayaw at ngingiti ang mga tala sa kalangitan."

Labis ang lungkot at pagtangis ng Reyna nang dahil sa binitawang salita ng Hari. "Huwag kang magbitaw ng ganyang mga salita, mahal ko. Hindi pa ngayon ang wakas! Ipangako mo sa akin na magkikita tayong muli sa lalong madaling panahon. Pakiusap, ipangako mo!"

"Ikaw ang aking bukang-liwayway at si Israel naman ang ating araw, ang siyang bunga ng ating walang hanggang pag-iibigan."

Nais tuparin ni Haring Napoleon ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang Hari ng Gana. Hindi niya kayang pabayaan ang kanyang bayan na kasalukuyang nakasadlak sa kadiliman.

"Ikaw ang aking Reyna, ang aking pinamamahal na siyang aking ginto't kayamanan. Si Israel ang tagapagmana ng aking gintong korona. Pagtapos ng kadilimang ito ay umasa kang hahanapin ko kayo sa madaling panahon. Pangako!"

Naputol ang kanilang pag-uusap nang makarinig sila ng mga malakas na mga pagsabog na malapit lamang mula sa kinaroroonan nila.

"Mahal, humayo na kayo. Kailangang makaalis na kayo sa bayan na ito sa lalong madaling panahon!"

Labag man sa loob ni Reyna Amira na umalis ay kailangan niyang panatilihing ligtas ang kanilang supling ng Hari. Kasama ng Reyna sa loob ng karwahe ang kanyang alalay na si Helena. Walang humpay ang kanyang pagtangis habang papalayo mula sa kanyang pinakamamahal na si Haring Napoleon.

N070324

ISRAEL Where stories live. Discover now