PART 4

524 26 14
                                    

FLASHBACK

"Gusto niyo ng wine?" Tanong ni Josh sa kanila.

"Sige, parang maganda yun to celebrate haha!" Sagot naman ni Pablo.

"Hindi pwede si Ken ha allergic siya diyan." Sagot naman ni Stell at tumingin kay Ken na nakangiti.

Tumango si Josh. "Babe ikaw salinan kita?" Baling naman niya kay Justin.

"Sure babe, pero konti lang ha busog pa ako e." Nakangiting tugon ni Justin na tinanguan naman ni Josh.

Si Pablo nakaupo sa sahig, si Ken at Stell nasa couch at si Justin ay nakaupo pa rin sa harapan ng lamesa. They were discussing kung ano pang gagawin nila sa natitirang 1 week nila sa Elyu. Halos maubos na nila ang wine nang magpaalam si Ken na magbabanyo muna pero pag tayo ni Ken ay napahawak siya sa ulo na tila ba ay nahihilo. Napansin ni Stell yun at napatayo siya kaagad para alalayan si Ken.

"Hey love are you oka....." Hahawakan na sana ni Stell si Ken pero nakaramdam ng pagkalula si Stell kaya napahawak siya sa pagitan ng mata niya at napailing-iling. Nag-aalalang lumapit naman si Josh sa kanila.

"Uy dre ayos lang kayo?" Tanong ni Josh sa kanila na puno ng pag-aalala.

"The heck Josh anong nilagay mo sa wine?" Naduduling na tanong ni Pablo kay Josh at pilit na nilalabanan ang hilo para hindi siya mawalan ng malay.

"B-Babe...." Tanging nasambit ni Justin at gustong abutin si Josh pero bumagsak na siya sa sahig at nawalan ng malay. Sumunod si Pablo na nabitawan ang hawak na wine glass at nagkalat ang laman nun sa sahig.

"J-Josh...b-bakit?" Tanong ni Stell pero kaagad din silang bumagsak ni Ken sa couch at nawalan ng malay.

Mula sa nag-aalalang mukha ay nagbago ang expression ni Josh. Tumalim ang titig niya sa kanila at ngumisi sabay humalakhak ng malakas. He was like a crazy man while walking and slowly sat on the single couch sa gilid ng pinto at tinungga ang huling patak ng wine. Isa-isa niyang tinignan ang apat na nakabulagta at dahan-dahang nagdekwatro.

"Playing innocent is so much fun right?  Kanino ko ba natutunan? E 'di sa inyo! What a group of crazy people tsk tsk tsk! Who said the game is over? The real game is just starting you mother fuckers! Bwahahahaha!" Parang baliw na sabi ni Josh na tuwang-tuwa sa nangyari.

"Tangina bumangon ka diyan Ken! What a great actor!" Biglang sabi ni Josh.

Biglang humagalpak ng tawa si Ken pero hindi naman siya bumangon. "Tanga kelangan mo akong buhatin para kunyari kasama ako sa pinatulog mo! Nakaset-up na yung mga camera kaya dapat nakarecord din yung pagbuhat mo sa akin." Sabi ni Ken na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

"Hayop na yan! Papagurin mo naman ako masyado!" Reklamo ni Josh.

"Ginusto mong maghiganti 'di ba? E 'di maghirap ka! Pasalamat ka nga pumayag ako sa plano mo e!" Sagot naman ni Ken kaya wala ng nagawa si Josh. Binuhat niya ang apat isa-isa at pinagtabi sa kama. Kinuha ni Josh sa kwarto ni Stell ang syringe na may lamang drug for memory loss at itinurok yun sa kanila maliban kay Ken.

END OF FLASHBACK

-------

STELL'S POV

Bago pa man bumalik si Ken sa room niya ay minadali ko nang ikabit yung camera sa sulok ng kwarto at sa banyo. I don't know what's going on with me, hindi na ako sanay na sinusungitan niya ako at hindi binibigyan ng pansin. I feel like there's something happened between us na hindi ko maalala and it's quite irritating.

Stalker X Stalker S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon