Part 9 (Day 2)

1.1K 40 20
                                    

KEN'S POV

Humahangos kaming tumakbo ni Stell papunta sa kwarto ni Josh dahil narinig namin pareho ang pagwawala ni Justin. Pinipigilan siya ni Pablo at ng ibang staff na naroon pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsisisigaw at sinisipa niya pa ang sinumang hahawak sa kanya.

"Utang na loob naman Jah huminahon ka muna!" Pagmamakaawa ni Pablo kay Justin.

"Damn it! Damn it! Anong klaseng hotel 'to? Ni hindi niyo man lang mapaayos-ayos yung mga surveillance camera niyo! I swear to God kapag may nangyari kay Josh ipapasara ko 'tong building niyo! Fuck!" Sigaw pa ni Justin at malakas na sinipa ang pintuan ng kwarto ni Josh.

"A-Anong nangyari? N-Nasaan ba si Josh?" Sabi ni Stell nang makalapit na kami. Biglang nanlisik ang mga mata ni Justin pagkakita kay Stell at sinugod niya ito ng sakal sa leeg.

"Hayop ka! Anong ginawa mo kay Josh? Saan mo siya dinala?!" Galit na galit na sabi ni Justin. Tutulungan ko sana si Stell pero mabilis akong sinipa ni Justin sa hita papalayo sa kanila.

"Argh! J-Jah bi-biti.wan mo a-ako! H-Hindi a-ako maka..m-makahinga!" Nahihirapang sabi ni Stell habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Justin sa leeg niya.

"Ilabas mo si Josh kung ayaw mong malagutan ng hininga!" Madiing sabi ni Justin at mas hinigpitan pa ang pagkasakal kay Stell.

"Justin are you out of your mind? Hindi magagawa ni Stell yun, bitiwan mo siya!" Sabi ko habang hinihimas yung hita kong sumakit dahil sa malakas na pagkasipa niya sa akin.

"Shut up!" Bulyaw sa akin ni Justin. At this time nakita ko si Pablo na nakatulala at parang wala sa sarili.

"J-Jah pa-parang awa mo na! B-Bitiwan mo a-ako! Hindi k-ko tinago si J-Josh, be-believe me!" Sabi ni Stell na namumula at lumuluwa na ang mga mata niya. Saglit pa siyang tinitigan ni Justin sa mata bago siya nito binitawan.

*Cough! Cough!*

Napaubo si Stell at mabilis na lumanghap ng hangin, nilapitan ko siya at inalalayan palayo kay Justin.

"What the hell is wrong with you? Magkasama kami ni Stell buong magdamag sa kwarto ko kaya imposible yang sinasabi mo!" Galit na sabi ko kay Justin kasama ang masamang tingin. Napa-praning na naman siya at kung anu-ano na naman ang iniisip niya.

"Punyeta kasi! Sino ba talaga sa inyo ang nantitrip sa grupo ha?" Sabi ni Justin at sinabunutan ang sariling buhok out of frustrations.

"We already talked about it yesterday, at sayo mismo nanggaling na wala sa atin ang stalker tapos ngayon mambibintang ka?" Sagot ko sa kanya.

"Baka naman kagagawan mo lang to Jah dahil sa nangyari kahapon?" Biglang singit ni Pablo at binigyan ng nanghihinalang tingin si Justin.

"W-What? Ha-ha! Seryoso ka Pablo? We just fucked yesterday tapos sasabihin mo sa akin yan?" Pakiramdam ko nanlaki ang ulo ko sa sinabi ni Justin. Pati si Pablo ay halatang nagulat din pero kaagad din namang nakabawi.

Stalker X Stalker S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon