Part 7

565 33 11
                                    

STELL'S POV

Dinig namin ni Ken ang bangayan ni Pablo at Justin kaya naman tumakbo kami papunta sa kanila.

"E bobo ka pala e! How many times do I have to tell you that it was an accident Justin. Hindi yun sinasadya bakit hindi mo maintindihan yun?" Sigaw ni Pablo at dinuro-duro si Justin.

"I'm not stupid Pablo! I saw what I saw! Sinadya mong maapakan yung paa ni Josh at nagkunyari kang na-out of balance para mapunta ka sa lap niya! Hindi ako bobo sadyang tanga ka lang talaga kumilos!" Galit din na sagot ni Justin kay Pablo habang inaawat sila ni Josh.

"What the hell?! Bakit ko naman sasadyaing gawin yun? Napaka bobo mo sa totoo lang! Ako 'wag mong isali diyan sa kapraningan mo Justin ha baka hindi kita matantiya!" Banta ni Pablo kaya pumagitna na rin kami ni Ken pagkalapit namin sa kanila.

"Sinong tinakot mo? Akala mo ba hindi ko nakita kanina na palihim mong vinivideo si Josh? Para saan? Para pagnasahan? Baka naman ikaw yung baliw na nanggugulo kay Josh at kay Ken!?" Nagulat ako sa sinabi ni Justin, pinagdududuhan din pala niya si Pablo? Kung ganun, hindi nga siya ang pumasok sa kwarto ni Josh kagabi.

"Ano? Can you hear yourself Justin? Tangina kilabutan ka naman! Never, ever, that I will do that to them! I don't like them even just a little my goodness!" Pablo said at kita kong medyo nasaktan siya sinabing yun ni Justin.

"Okay guys, kalma! Pwede bang kumalma muna? We're here to relax ano ba naman kayo?" Singit ko sa bangayan nila. Napasulyap ako kay Ken pero ang gago kung makatingin sa akin para akong binabayo. Masyadong malagkit at sinamahan niya pa talaga ng kagat ng labi niya. Pinandilatan ko siya ng mata at tumawa lang talaga siya, baliw amputik.

"Paano kasi akong kakalma Stell, inutusan ako ni Pablo na mag-order ng juice for us. Pagkaalis ko nakita ko pa siyang vinivideohan niya si Josh ng palihim pero binalewala ko yun. Tapos pagbalik ko nakita kong inapakan niya si Josh tapos natumba siya sa harapan niya, sumubsob yung face niya sa mismong harapan ni Josh at ito namang siraulo ginanahan pa." Paliwanag ni Justin na halos maputol na ang mga ugat sa leeg sa sobrang inis.

"Anong ginanahan? Tinamaan yung dalawang itlog ko kaya napakagat-labi ako! Anong klaseng kapraningan yan Jah?" Sagot naman ni Josh at pinipigilan ang sariling matawa. Sasagot na sana si Justin pero biglang humagalpak ng tawa si Ken kaya sabay kaming napatingin sa kanya ng masama.

"Yo chill! Hahahaha! You know what it's so funny! Ganito lang yan e, ano bang karapatan mo Jah para magselos kay Pablo sa nangyari? Sinadya man o hindi ano bang meron kayo ni Josh para magwala ka ng ganyan? May relasyon ba kayo?" Sabi ni Ken at nakita kong nagbago ang expression ng mukha ni Justin. From galit na galit to medyo napapahiya ang mababakas sa mukha niya.

Stalker X Stalker S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon