Part 8 (Day 1 ends)

704 27 8
                                    

Lunch time pero wala ni isa sa kanila ang nagyayang kumain. Si Pablo nagkulong sa kwarto niya, si Ken tumambay sa room ni Josh, si Stell nakatulog sa room ni Ken habang si Justin ay naisipang magdrawing at naghihintay na puntahan siya ni Josh. Kasalukuyan namang nililinis ng iilang staff ng hotel ang magulong kwarto ni Stell after malaman ng manager ang nangyari.

Samantala sa room ni Josh nagpaalam si Ken na magbabanyo muna habang nagtutupi ng mga damit niya si Josh. Paglabas ni Ken galing banyo ay saktong umilaw ang phone niya at nagpop up ang messenger. Umupo si Ken sa couch bago buksan ang notification at ganun na lang ang gulat niya sa nakita.

"Oh shit!" Malakas na pagkakasabi ni Ken at napatayo pa siya.

"Oh bakit? Sino nagchat sayo?" Josh asked.

"Unknown user, nagsend siya ng photo ni Stell na natutulog sa kama ko! Tangina teka lang puntahan ko lang si Stell." Tarantang sabi ni Ken.

"Wait lang dre, maybe it's a trap!" Pigil naman ni Josh.

"Wala akong pakialam! Subukan niya lang hawakan si Stell papatayim ko siya!" Namumula ang mga mata ni Ken dahil sa galit at patakbong lumabas ng kwarto ni Josh.

"Pfft! Bwahahahahahaha!" Parang nasisiraan ng ulo na tawa ni Josh at pasimpleng dinukot sa ilalim ng unan ang kanyang cellphone.

-----

JOSH'S POV

"Ken, Ken, Ken, tsk tsk! Sorry brother pero hindi tayo magkakampi hahaha! Ang sarap niyong paikutin lahat! Nag-eenjoy akong pagmasdan kayong nagsisisihan at nagdududahan sa isa't-isa."

Hindi ko napigilang tumawa nang tumawa dahil sa mga nangyayari, umaayon sa akin lahat ng mga plano ko. Parte pa rin ng revenge ko si Ken at kinuntsaba ko lang siya for informations and resources. Pretty smart right? That's how you should play the game mothafuckers! Be friends to your enemy so you can easily manipulate them.

Itong kalmot sa likod ko plano ko 'to. Last night alam kong papunta si Stell sa room ko, and that night also dumating si Yani at Josue. Yung gumawa ng ingay si Yani yun, yung lumabas before ni Stell ay si Josue. Paglabas ni Josue ay dumiretso siya sa secret room kung saan ako pinatulog at tinago ni Stell. Pagkalabas ni Stell ay doon pa lang namin ginawa ni Yani yung kalmot sa akin, talagang lumaklak ako ng sleeping pills nun para convincing ang drama ko. At paano ko sila napapayag sa mga plano ko? Simple lang, 'cause I'm the boss, I'm the master bwahahaha! Sinabi ko na sa kanila lahat ng mga pinaggagawa nila nung last week kaya pumayag sila sa gusto ko. Alam na rin ni Yani na kami na ni Justin at hinihintay ko na lang na maalala na niya ang lahat.

Yung camera sa room ni Ken na hindi maayos ang pagkakabit ay hindi gumagana yun at sinadya ko yun para hindi na niya maisipan pa na meron pang isang camera na naka -install dun. Yung gulo kanina between Pablo and Justin ay kagagawan ko pero hindi yung sinabi ni Justin na vinivideo ako ni Pablo. I purposely made their conflict for more drama hahaha. At yun namang room ni Stell ay kagagawan ni Yani at Josue. At siyempre hindi pa natatapos diyan ang lahat, I will make sure na hindi nila makakalimutan 'tong bakasyon namin dito sa Elyu.

Stalker X Stalker S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon