Chapter 4
Ulan"HERE'S your order, ma'am," ani ng waiter saka inilapag sa harapan ko ang orders namin ni Lezi.
She choose cookies and cream frappe while I choose the matcha-flavored one.
Tinignan niya ang drink ko na parang nandidiri. "Yuck, matcha."
She hates matcha that's why she find it odd when she's seeing me drinking matcha drinks or eat a matcha-flavored food. We're opposite on that part.
I imitated her facial expression and looked at her drink. "Yuck, cookies and cream."
For the first time, i saw her roll her eyes at me. She did it right this time! Hindi tuloy matago ang ngiti sa labi ko sa sobrang saya dahil nagawa na rin niya ng tama.
Tagal niya kayang triny gawin 'yon.
"Woah, you can roll your eyes at me na huh?"
"Right timing lang 'yon. Di ko talaga alam yon," aniya sabay tawa.
I took a sip at my drink. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa saka nag-scroll sa tiktok. I saw that there's another trending game na sikat ngayon sa tiktok. Kinalabit ko si Lezi saka pinakita sakanya ang video kung saan ang dalawang tao na 'yon ay nilalaro yung game.
Tumaas ang kilay nito. "Ano gagawin natin diyan?"
"Gagayahin."
"Ayoko nga. It will make you uncomfortable."
Nilayo ko sakanya ang phone ko at nag-isip saglit. It was a video of both girls, titigan challenge 'yun habang dapat nakangiti pareho sa isa't isa. Isa pang mechanics doon ay dapat magkalapit ang mga mukha. Trip trip lang naman siguro ‘yon at walang personalan.
Pero sige since ayaw niya.
Nagkibit-balikat na lang ako. "Fine, next game na lang pag may nakita uli ako," ani ko pero nalungkot ako sa pag-disagree ni Lezi sa akin. First time 'yon e.
Hinawakan ni Lezi ang chin ko saka itinapat 'yon sa paningin niya. "Sad, baby girl?"
I was about to roll my eyes at her just like what I'm always doing but my attention diverted in the rain. Geez, naabutan na kami ng ulan sa sobrang comfortable namin sa place... at sa isa't isa na rin.
Tumayo ako, rushing towards the door of the cafe. Mama would be upset when she knew that I'm not at home pa rin kahit umuulan na!
Bago pa ako makalabas ng tuluyan sa cafe, hawak-hawak na ako ni Lezi sa wrist. "What's wrong? Uuwi ka na? 'Wag ka na muna umuwi, magpatila na lang tayo ng ulan."
"Mama will get mad, Lezi."
"Ako na bahala, may tiwala naman 'yun sa akin, di ba? Ako na ang magtetext."
"Pero—"
"No buts, young lady. Magkakasakit ka, Deia, makinig ka sa akin."
I nervously looked at her and her hand holding me. Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan, sa magagalit ba si mama o sa kamay niya na namang hawak ako. I nod, agreeing with her. She's right tho, my mother trusts her. Umupo uli kami saka nagsend na agad siya ng text kay mama.
Sige, Lezi. Keep Deia safe.
That's what my mother replied.
Safe from what? From Lezi?
I know how to name my emotion towards Lezi but...
I searched for my rosary at my pocket and stare at it for a few minutes before turning my attention to Lezi who's busy eating her newly-arrived blueberry cheesecake.
Para akong napaso habang hawak 'yong rosary kaya binalik ko 'yon sa pocket ko pero hindi pa rin ako nakontento. Nilagay ko 'yon sa bag ko at hinayaan na doon. Bakit ganon?
Sometimes, I wonder if mama wanted me to be the perfect only child she have. Lahat ng kaibigan ni mama, tuwang-tuwa sa akin and she often tell me that she's proud of me.
Paano kapag may isa akong magawang mali? Paano kung ma-disappoint ko siya o masaktan? Mamahalin pa kaya ako ni mama at papa?
"Are you okay?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang. Gusto ko na umuwi, giniginaw na ako, e. Nilakas yata nila 'yong aircon nila."
May hinanap bigla si Lezi sa bag niya kaya kinain ko na rin muna ang strawberry-flavored cake na order niya para sa akin. Ang sarap pala nito, first time pa lang namin dito ni Lezi dahil kabubukas lang nito last week.
Nagulat na lang ako nang may inaabot siya sa akin.
Hoodie.
"Here," offer niya. "Kaya ako nagdadala niyang hoodie ko palagi kasi alam kong ginawin ka. Nagtataka nga si mommy dahil hindi naman ako gumagamit ng hoodie madalas."
"Thank you. The best ka talaga," i said with gratitude.
Astig talaga 'to 'no. Nagdadala ng hoodie para sa akin.
"IT'S getting late. Di pa rin tumila," reklamo ni Lezi sa tapat ko. Bored na bored na kami dito at buti na lang ay 24/7 'tong cafe dahil kung hindi, kanina pa kami napalayas.
Nabusog na ako sa kung ano-anong binili namin pero ang ulan, wala pa ring paawat. I grabbed my bag and stood up.
"Edi i-enjoy na lang natin 'yung ulan."
Nakuha ko ang atensyon ni Lezi. Tumayo na rin siya at kinuha ang bag. "What do you mean?"
Hinawakan ko ang kamay niya saka hinila siya palabas ng cafe. May bubong pa kaya hindi pa kami nababasa dahil sa harap ng cafe ay may mga upuan din para sa mga gusto na sa labas mag-dine in.
Tumakbo ako papunta sa ulan at umikot-ikot doon na parang bata na nakawala mula sa nanay niya at unang beses na makaranas ng ulan. Tinignan ko si Lezi. Natatawa siya habang umiiling.
"Cute woman!" she shouted.
"Come, join me, Khalezi! Ang saya dito, oh."
"Magkakasakit ka, Allira!"
Tumawa ako. "Allira? Naninibago ako diyan, ah."
Napakamot na lang sa ulo si Lezi. Siguro naiirita na 'to sa akin dahil ayaw kong makinig sakanya. Ang tagal tumila, e, saka matagal na rin simula nung last na nakaligo ako ng ulan kaya nakakatuwa na nakaligo na uli ako.
"Come on, Khalezi! Halika na!"
Sumimangot siya. "Hindi ka talaga makikinig sa akin?"
"No. So, come join me here."
YOU ARE READING
Wretched (Broken Series #1)
Romance"You will marry a man who adores and loves you like I do." That's what Deia's mother has been telling her since she was just a child. But what if fate has something to change about her destiny? What if she was really meant to marry a woman, contrad...