28

405 63 4
                                    

Daphne's POV

Ilang araw na kong hindi nagkakatulog at hindi na pumapasok ng trabaho dahil napapraning ako sa banta ng Altamirano na yun!

May isang salita sya at alam ko na gagawin nya yun.

Natauhan ako ng may nagdoorbell at ng pagbuksan ko ng pintuan yung nagdo-doorbell ay ganun na lang yung kabang naramdaman ko. Napataas ang isang kilay nya at kapagdaka nyang ibinigay sakin yung sandamakmak na mga papel.

"Work from home ka kung ayaw mong pumasok ng office. Kailangan ko ngayon yan." saad nya at ubod ng yabang pumasok kapag daka sa loob nitong tinitirhan namin.

Bwisit talaga!

Naupo sya sa single sofa dito sa salas.

Walang sense kung makikipagtalo ako sa kanya kaya kinuha ko yung laptop sa kwarto ko.

"Wag kang lalabas huh." sabi ko sa anak ko at napatango sya.

Sa may kusina ako pumwesto magtrabaho ng mga documents na dala dala nung epal. Bahala syang mabagot sa salas!

........
Nang tingnan ko sya sa may salas ay halos nakahiga na sya ng upo sa sofa habang nag se cellphone pero nahindik ako dahil si Calleb ay tahimik na nakatayo sa likod at nakatingin sa cellphone ni Roi. Mayamaya ay naglakad na si Calleb papunta doon sa katapatang sofa na kinakaupuan ni Roi na syang kinaayos nito ng upo.

"Why are you here?" nagawa pang itanong ni Calleb. Pangahas talaga sabi ko na wag lalabas ng kwarto namin.

"Visiting you and your Mom." plain na sagot ni Roi habang diretso ang tingin kay Calleb.

"Why?" walang ganang tanong ulit ng anak ko sa kanya na syang kinangisi ni Roi.

"Because you are mine." mayabang na saad ni Roi na syang kinasalubong ng mga kilay ko.

Maya maya ay nilapag ni Roi yung cellphone nya sa center table at tinulak ng isang daliri nya ito palapit kay Calleb.

"What do you want to eat? Libre ko." nakangiting saad nito sa anak ko.

Please dont.... piping dalangin ko kase kahinaan ni Calleb yan...

"Really?" saad nito habang may pagsipat pa sa screen ng cellphone ni Roi.

"Libre ko nga..." saad ni Roi at naupo na sya sa sahig at nilapit kay Calleb yung phone.

"This chocolate cake and this." turo ng anak ko at napaikot na sa ere ang mga mata ko. Ipagpapalit nya talaga ako sa pagkain.

"Calleb." saway ko sa anak ko at parang nagloading pa si Roi ng marinig nya yung pangalan ng bata na nasa harap nya.

"Magluluto ako, dito ka na kumain." sabi ko at kinawayan ko si Calleb para lumapit sa akin. Kinarga ko si Caleb at sinama ko sa kusina.

"Pagpapalit mo ko sa pagkain?" bulong ko sa anak ko pero napanguso sya.

"She's like Mamita." ngusong saad nya. Tukoy ng anak ko kay Ma'am Cyrll.

"Luh? Ang panget kaya nyan para maging kamukha ni Mamita.." mahinang bulong ko na syang kinangiti ng anak ko.

Habang nagluluto ako ay may nagdoorbell at narinig ko na pinagbuksan iyon ni Roi.

"You buy it for real!" saad ng anak ko at paglingon ko ay para syang pusa na nakasunod kay Roi habang dala dala nya yung pagkain na inorder nya para kay Calleb.

Napatingin ako sa kanya at saka ko sya inirapan. Napaka talaga!

"Pareho tayo ng favorite..." saad ni Roi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon