14

798 106 20
                                    

Daphne's POV
Wala si Roi sa tabi ko ng magising ako at may note sa may lamp shade galing sa kanya. Sasadya lang daw sya sa office nila at babalik din bago mag lunch. Nasa Berlin na kami.

Pagkaayos ko sa sarili ko ay lumabas ako ng kwarto. Ang laki ng bahay nila dito. May nakita ako na nagluluto sa kusina.

"Good morning po." bati ko at napalingon sya sa akin at napangiti kaya nahawa ako.

"Magandang umaga din hija... maupo ka at malapit na itong maluto.." saad nito sa akin. Nabanggit sya ni Roi sa akin habang nasa biyahe kami na may pinauna nga daw ng Mommy nya itong nag aalaga sa kanya simula nung bata sya.

Sya si Aling Grace.

Ang dami nyang niluto. Nalulula ako sa inihahanda nya. Bakit sobrang dami?

"Ikaw ba yung nobya ng alaga ko?" nakangiting tanong nya at namula yung pisngi ko at kilig?

Nakagat ko yung ilalim na labi ko at napatango ako.

Para akong na scam ni Roi nung mga oras na yun sa may elevator. Saksakan kase ng kulit. Ewan. Bahala na. Hindi ko alam kung saan kami hahantong dahil sobrang bilis ng pangyayare sa amin.

"Alam mo ba hija na ikaw ang dahilan nya kaya sya nagtatagal magstay sa Pilipinas?" nakangiting sabi nya kaya napaangat ang tingin ko. Nagtataka ako.

"Dito talaga sa Berlin nakabase yang batang yan... Si Señorito Yuan talaga ang may hawak lahat ng hotels nila. Nakiusap itong batang 'to sa mga magulang nya na sa Cebu mag office kahit nandito yung trabaho nya sa Berlin." kwento nya habang hinahainan nya ko ng pagkain.

Para akong natuyuan ng laway dahil sa bagay na lumulukob sa loob ko. May bagay na humahaplos sa puso ko sa nalaman ko. That effort....

"Malaki ang pagbabago nya simula ng makilala ka nya. Naging responsable na sya sa mga responsibilidad nya sa Altamirano para daw maipakita nya sa magulang nya at sa pamilya mo na karapatdapat sya sayo." masayang kwento nya na syang kinakabog ng dibdib ko sa saya at kilig.... kaya lang... ako mismo naman ay hindi karapat dapat kay Roi.

Kainis!

Nakagat ko yung ilalim na labi ko.
Natatakot akong lalo na mawala si Roi kapag ganito sya kaya lang hinihila naman ako ng nakaraan ko. Di ko alam kung hanggang kailan makakaya ni Roi magstay sa tabi ko.

"At iba ang saya nya kapag kinukwento ka nya sa akin..." nakangiting saad nya.

Namalayan ko na lang habang nagkukwentuhan kami ni Aling Garce ay nagtatanong na ko patungkol kay Roi. Kung ano yung pabiritong pagkain nito, kulay o kahit na anong gusto nya. Hindi ako pumayag na sya lang yung magliligpit kaya tumulong ako sa kanya.

Before 12 noon nga dumating si Roi at masaya syang lumapit sa akin at iniabot yung isang dosenang red roses sakin. Nang tanggapin ko iyon ay nahawa ako sa ngiting binibigay nya sakin kaya napangiti ako.

"Sorry sa lahat ng sakit ng ulo at tampong naibigay ko sayo simula nung interview..." nahihiyang paumanhin nya at kamot nya yung gilid ng kilay nya.

Sabi ni Aling Grace hindi daw pala sorry na tao itong si Roi maliban sa Mommy at Dada nya.

Napangiti ako habang halos yakap ko na itong isang dosenang red roses na bigay nya sa akin.

"Sorry for not telling you from the start na isa akong Altamirano. Napakasaway ko din kase that time kaya hindi kita masisi kung bakit di ka naniwala sa akin... but now... I change. I'll do everything not to hurt you... Kung masaktan man kita ng di sinasadya, Gagawin ko ang lahat to make it all right..." seryosong saad nya.

Napangiti ako at hindi ko maintindihan bakit ganito kalakas yung impact sa puso ko itong lahat ng bagay na pinapangako nya sakin. I trust this naughty Roi so much.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon