Chapter I: Ang Alamat ng Tilaok ni Ermat at ng Manok

18 0 2
                                    

January 15, 2005, 8:00 am...

"Tiktilaok... Tiktilaok..."

Haaaay Buhay! Sadyang badtrip paminsan-minsan! Sa araw-araw na lang na ginawa ni Bathala, tuwing umaga na lang siguradong mag-iingay ng mga manok ni Mang Isko. Ganitong napuyat ako kagabi kakaisip kung anong gagawin ko ngayong araw na ito, Laking perwisyo at naistorbo ang tulog ko. 

One time talaga kapag sinumpong ako ng topak, Nanakawin ko lahat ng manok ng sabungero kong kapitbahay at ipapapulutan ko sa mga lasinggero dito sa lugar namin.

Ang di ko kasi magets kung bakit kailangang maingay at malakas ang pagtilaok ng manok. Kung pwede lang sana itong i-silent mode na parang cellphone para di masyadong maka-istorbo sa mga kagaya ko na hindi biniyayaan ng sipag na bumangon ng maaga. 

Noong isang araw nga, sa sobrang inis ay napag-tripan kong i-search sa internet kung bakit tumitilaok ang manok kapag umaga. Ewan ko ba?! Dala na lang siguro ng badtrip o sadyang di lang talaga nasikipan yung turnilyo ko sa ulo kaya naisipan kong gawin yun. May ilang Biologist na nagsabi na dala daw ng evolution, may isa rin na nagsabi na basic insticts daw yun, at yung isa pa eto yung sinabi...

"Theories as to why roosters crow vary from disturbances in the coop at night, to neighborhood sounds that may seem to the rooster to be a sign of impending attack on his flock. A car starting will set the rooster crowing and perhaps this may be a territorial crowing similar to the barking of a dog protecting his territory. Switching on a light in the middle of the night will start a c rowing fest; this may be because roosters believe the sun is rising".

Mader Paker!!! masyadong komplikado at english pa! Hindi kayang i-proseso ng utak ko at wala rin naman akong tiyagang umunawa ng mga bagay na alam kong di ko maiintindihan, Kaya mas minabuti ko na lang pumunta sa paboritong website ng kabataang lalake www.youcorn.com.

...

...

...

Naibsan ang libog pero hindi ang pangangati. Di parin naalis sa utak ko ang misteryo ng pagtilaok ng manok. Parang biktima na krimen, na humihingi ng hustisya ang diwa ko. Lumipas ang ilang oras na nakatutok ako sa computer pero yun pa rin ang pinoproblema ko. Sa Ganitong Pagkakataon isa lang ang maaasahan ko...

Kumunsulta ako sa kababata ko na bestfriend ata ni Snoop Dogg sa sobrang lakas mag-doobie. Kumpara sa mga kilalang sayantipiko na di ko naman kilala, mas tiwala ako sa kababata ko dahil mas naiintindihan ko ang mga paliwanag nya. Higit sa lahat, madali pa siyang utangan.

"Bogs! Tol sa tingin mo, bakit kaya natilaok ang manok", ang tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakaharap sa computer at naglalaro ng Counter Strike.

"Seryoso ka ba jan tol?", Kunot noo nyang sagot sakin habang abala sa pagtipa sa keyboard.

Bigla kong tinigil ang ginawa ko at tumingin sa kanya, "Seryoso ako pre. Ang ingay kasi ng manok ni Mang Isko lagi".

Bigla rin siyang tumigil sa ginagawa niya at tinitigan niya ako na parang isang suspect ng isang karumaldumal na krimen.

"Oh?! Ba't ganyan ka makatingin sakin?! Alam mo ba sagot sa tanong ko?!", tanong ko.

Bigla syang napailing at tatawa-tawang bumalik sa ginagawang paglalaro.

Di ako kumibo at nakahalata ata ang mokong na medyo di ko siya lulubayan...

 Muli niyang tinigil ang ginagawa at tumingin sakin. 

"Mukha ngang madalas kang puyatin ng mga manok ng kapitbahay mo or sadyang may kaluwagan lang turnilyo mo  sa ulo. Oh siya!!! Para matigil ka lang, Tumitilaok ang manok kasi ng unang panahon di pa uso ang alarm clock, si Old McDonald na may farm ang nagpauso na dapat gumising ng maaga para asikasuhin ang mga alaga nyang baka, kalabaw, pato, ostrich, leon, tigre, dragon, aso at garapata. Kinutsaba niya yung alaga nyang tandang na may insomnia para gisingin siya araw-araw. Oh pinag-aralan ko pa sa Harvard yan", paliwanag ng matalino kong kababata, sabay bumalik sa ginagawa nyang paglalaro na iiling-iling parin at may ngiting aso sa labi.

Kamusta? Kumain ka na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon