Chapter IV: Iikot ang oras at ang mundo pero eto parin ako

5 0 0
                                    

February 6, 2005, 3:00 pm.

Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Halos wala rin naman kasing bagong nangyari. Paulit-ulit at napaka-monotonous kagaya ng pag-ikot ng kamay ng orasan. Gigising sa umaga para pumasok at mag-aral. Pagkagaling sa ekwela tatambay kasama ang tropa o kung di man ay tatambay sa Computer shop. Kapag nasa bahay naman, madalas nasa kwarto para matulog or magbasa. Kung wala supply ng antok at mabilis ang tipa ng musika sa utak, hahawak ng  gitara at pipiliting sumulat ng kanta. Kapag naubos ang bulong ng kanta sa utak ilalapag ang gitara pupunta sa sala para magbukas ng TV at manuod. Paulit-ulit at nakakasawa.

Kagaya ngayong araw na ito. Linggong-linggo pero walang gala. Mag-lilimang oras na akong nakakulong sa kwarto ko. Nakasawaan ko na lang basahin yung bagong release na manga ng Naruto. Kamalas-malasan na naputulan pa ng string ang gitara ko kaya tamang hilata lang ako sa kama. Nabilang ko na ata lahat ng namuong sapot ng gagamba sa kisame at sa apat na sulok ng kwartong ito kakaisip ng pwedeng magawa.

"Ehh kung bumangon kaya ako dito at maghanap ng malilinis sa bahay?!", tanong ko sa sarili ko na sinagot ko rin naman nang, "Huwag na! Pag-nakita ako ni Gigi tatanungin lang ako nun kung may lagnat ba ako.".

Isa pa, maghahapon narin naman na, malamang nalinis na ni ermat at Gigi lahat ng dapat linisin sa bahay. Kwarto ko lang naman ang parang tambakan ng basura sa sobrang kalat. Kung mamalasin pa at si ermat ang makapansin na nagliligpit ako, baka maisipan pang iparehab ako at naglilinis ako ng bagay na malinis naman na. Ehh kung lumabas na lang kaya ako at maglakad-lakad? Pwede! Kaso tinatamad ako. Ang hirap nito. Naputol ang pag-iisip ko ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa si Tom.

Kagaya ng nakasanayan. Nakapusod lang ang  kanyang buhok na halatang hindi masyadong pinagkaabalahang ayusin ng maigi. Nakasuot sya ng itim at mumurahing My Chemical Romance na T-shirt na may nakasulat na "I'm not okay" isa sa mga sumikat na kanta ng bandang ito. Pintado ng itim ang mga kuko niya sa kamay at tadtad ng Black Sabbath ang braso. Kung meron mang nabago, ay unang beses ko atang makita na nagsuot ng medyo maiksing maong na short si Tom. Pag-kaputi naman talaga at pag-kakinis ng hita parang bagong balat na labanos. Bigla tuloy nag-voice over si Romy Diaz sa utak ko "Ang kinis-kinis... Ang puti-puti... Hmmmmm Amoy pinipig!!!".

Mabilis kong inalis sa utak ko kung ano mang kamanyakan ang biglang pumasok dito dahil sa kakaibang ayos ni Tom. Malamang kung malalaman niya, siguradong upak ang aabutin ko. Pero sa totoo lang ay napakahirap pala tanggalin ng malisya. Lalo na kung matagal ka nang may gusto sa isang tao pero kailangan mong magpigil na umamin dahil sobrang ok at solid na ng inyong pinagsamahan. Di pa nakakatulong na kahit ang pogi ng tingin ni Tom sa sarili niya ay sadyang napaka-ganda niya. Kaya eto ako na nakatitig lang sa kanya, tulala, at nakabuka ang bunganga. 

Bigla siyang tumalon padapa sa kama, dahilan para malaglag ang ilang unan sa sahig at malaglag ako mula sa pananaginip ng gising pababa sa reyalidad. 

"Tol naistorbo ko ba pagjajakol mo?", Tatawa-tawang biro ni mokong.

"Gago! Jakol ka jan!", depensa ko sabay hablot ng pinakamalit na unan at hinampas ko sa balikat nya.

"Ulol! Magdedeny ka pa?! Ehh bat parang gulat na gulat ka pag pasok ko?", Sagot nya sabay abot sa pinakamalapit na unan sa sahig at aambang ipapalo sakin ngunit di nya naituloy dahil naibato ko na sa mukha nya ang hawak kong unan.

"Wow! Ikaw ba naman abala sa pagmumuni-muni tapos biglang bubukas yung pinto di ka magugulantang?! Salamat sa pagpasok sa kwarto ng hindi kumakatok ha?!", Nakangiti kong pagdadahilan kahit ang totoo natulala ako sa ganda niya.

Inayos nya ang hawak na unan sa ulunan ng aking kama at sumandal dito. Tumingin sya sakin ng may ngiti sa kanyang labi at sinabing, "You're most welcome tol! Ehh sabe ni Tita akyatin na lang daw kita ehh. Kumain ka na?".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kamusta? Kumain ka na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon