PANG-APAT

40 2 0
                                    

PANG-APAT

NAPATINGIN si Toffer kay James na nagtataka, hindi niya ba nakikita? Tanong niya sa kanyang isipan. Tumingin ulit siya sa cubicle.

Ngunit wala nadoon ang kanyang nakita. Tumayo ng maayos si Toffer saka ginulo ang kanyang buhok. Naghimalos siya dahil natataranta at kinikilabutan siya sa nakita.

Nagtataka namang nakatingin lang si James kay Toffer.

"Toffer..."

"Bakit?" Lumingon sa kanya si Toffer habang napapaisip, ano bang nangyayare saakin?

"Nakita mo rin ba yung dugo? Sa manika ni Charlotte," nanlaki ang mga mata ni Toffer sa tanong ni James. Akala niya siya lang nakakita pati ang Teacher nila. Pero nakita din ito ni James!

"O-oo," lumapit sa kanya si James,

"Alam mo na pre...." kinakabahan na tumingin si Toffer sa kanya. Parang may nalalaman si James na hindi niya alam. Parang may kakaiba kay James.

Mas lalong siyang kinabahan ng lumapit si James sa may tenga niya at may binulong.

"Muka kang tanga kanina, ano bang nakita mo?" Napahampas naman sa noo si Toffer.

*TOINKS!*

"OUCH!" Masamang tingin ang pinukal ni Toffer kay James. Nagpout si James habang hinahawakan ang tenga niyang pinalo ni Toffer.

"Sumeryoso ka," sabi ni Toffer. Napabuntong hininga naman si James saka nagseryoso.

"Ano pang nakita mo kahapon bukod sa dugo?" Seryosong tanong ni Toffer. Iba ang kutob niya sa bagong babae. Napakabiglaan ang pagpasok neto at bagong bago palang siya may kakaiba na sa kanya.

"Dugo lang," sabi ni James.

"Bakit ba kasi?" Dugtong pa neto. Hindi nalang nagsalita si Toffer dahil kinikabahan siya sa mga pwedeng mangyare.

Lalo na nung nakita niya si Ms. Mogar sa cubicle. Umiling lang si Toffer kay James na pinagtakahan naman neto.

"Lika na,"

BAHAY

Kakadating palang ni Toffer sa kanyang bahay nang makita niya ang kanyang ama na may dalang babae nanaman. Naglalapungan sila sa hagdanan mismo ng mapadaan doon si Toffer.

"Nandito na ako," walang gana niyang sabi. Napatigil naman ang kanyang ama sa paghahalik sa babaeng dala neto.

"Anak..."

Blaag

Binagsak ni Toffer ang kanyang pinto pagkapasok sa kwarto. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya ng kanyang ama ng 'Anak' dahil may galit siya sa kanyang ama.

Galit siya sa ama niya dahil may ginawa itong hindi tama.

Inayos niya ang kanyang gamit saka siya nagbihis. Hapon palang kaya gumawa na kaagad siya ng mga takdang aralin.

Maawa ka... tulungan mo ako pakiusap...

Napasapo siya sa kanyang ulo habang gumagawa ng takda. Ayaw na niya maalala. Ayaw na niyang makita ang nakaraan.

Tinignan niya ang picture sa side table niya. Medyo gumaan ang kanyang pakiramdam pero naging malungkot siya.

"I miss you Mom," malungkot niyang sabi. Bumuntong hininga nalang siya. Ang hirap mawalan ng Ina. Lalo na kung ang mismo mong ama, ang dahilan kung bakit ito nawala.

Bumalik siya sa kanyang ginagawa. Nung natapos ito saka siya napatulala. Naalala niya ang muka ni Charlotte, ay mali-ang itsura neto.

Hindi niya pa nakikita ang buong mukha ni Charlotte at wala siyang balak tignan ito. May kakaiba sa babaeng ito at sigurado siyang may kinalaman si Charlotte sa mga nakikita niya.

Bakit may dugo yung manika? Bakit may naramdaman siyang humawak sa kamay niya? At Bakit niya ba nakita yung nasa banyo?

5 Seconds to HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon