PANG-ANIM

15 2 0
                                    

PANG ANIM

"TARA! Malalate na tayo oh!"

"Oo na, oo na, teka lang kasi James!"

"Bagal mo talaga kahit kailan," Kinuha ni Toffer ang kanyang Bag at saka lumapit kay James, anong oras na kasi siyang nakatulog kakaisip sa mga pangyayari. Ang resulta? Yan. Late nagising.

"Magtricycle nalang tayo ah?" sabi ni James kay Toffer na papalapit sa sakayan ng tricycle na malapit lang sa bahay nina Toffer.

"Oo, sige. Basta libre mo ah?"

"Para ka naming babae, Tol!"

"Hindi, sadyang gwapo lang,"

Sumakay nga sila sa tricycle patungo sa school. Sa byahe, may ibang naramdaman si Toffer, tila may kakaibang nangyari. Sa kanyang palagay, wala lang iyon. Kahit hind niya ito inintindi at saka tinuon niya ang kanyang pansin sa labas.

Pagkababa nila sa tricycle ay napatingin si Toffer sa guard na tinutunguan siya, kaya ningitian niya ito. Napatingin naman siya sa isang babae na nakaupo sa tapat guard house ng kanilang school. Parang kilala niya ang babae kaya medyo sinilip niya iyon. Nagulat si Toffer na tumingin sa kanya ang babae.

"Toffer! Halika na! ---Ay," napatigil sa pagtakbo si James nang mapansin niyang may tinititigan si Toffer. Noong tinignan niya ito ay nangilabot nanaman siya. Hindi niya talaga gusto ang kanyang nararamdaman niya kapag nakikita niya si Charlotte. Well, hindi pag-ibig ah.

"Pare," tinapik lang ni James si Toffer sa balikat kaya napatingin naman sa kanya si Toffer.

"Tara na," sabi ulit ni James sa kaibigan. Tumango naman si Toffer kay James saka sabay silang maglakad. Lingid sa kaalaman ng magkaibigan ay nakatingin si Charlotte sa kanila nang malungkot.

Habang naglalakad sa hallway ay tulala nanaman ulit si Toffer sa kawalan. May nararamdaman si Toffer na hindi maganda. Lalo na ng makita niya si Charlotte na ganoon. Alam niya sa sarili niya na malungkot ang dalaga ngunit bakit? Anong nangyari?

"HOY TOPER!" tumingin naman ng masama si Toffer kay James nang gulatin siya. Tinaas naman si James ang kanyang mga kamay parang gumawa ng krimen.

"Oh, chill! Wala kong kasalanan!" umiling iling nalang si Toffer. Iniisip niya kung paano niya ba nagging kaibigan si James? Ah, noong tinuruan nilang magbasket ball ang mga babae noon sa Basktetball club.

"Dalian mo naman maglakad pare, malalate na tayo oh!" napatingin naman agad si Toffer kay James.

"Oo nga ano? Sige, una ka na tol! May pupuntahan pa ako!" bago pa makapagsalita si James ay tumakbo nakaagad si Toffer palayo kay James, bumalik sa gate si Toffer. Nagbabakasali na nandoon pa siya.

Late na sila, alam niya iyon. Pero bakit ba kasi hindi pa pumapasok si Charlotte sa loob ng school? Napapaisip pa talaga si Toffer kung bakit ito malungkot.

At pagkapunta niya roon sa may guard house ng school ay nakita niya nga si Charlotte na nakaupo habang nakayuko. Tumigil nga sa pagtakbo si Toffer at nilapitan si Charlottte.

Tumigil siya sa harap ni Charlotte at doon lang napansin ni Charlotte na may tao sa harapan niya. Unti unting tumingin naman si Charlotte sa harap niya. Nakita niya si Toffer na medyo pawisan at hinihingal.

"Bakit?" tanong ni Charlotte. Nagulat si Toffer. Sa tono ng boses ni Charlotte ay parang iba. Nakapaalumanay nito, hindi katulad noong huli niyang narinig ang boses neto ay talagang nakakapangilabot.

At doon niya lang napansin na hindi dala ni Charlotte ang kanyang manika.

"Bakit hindi ka pa pumasok?" umupo si Toffer sa tabi niya saka tinignan ang sahig.

"Ayokong pumasok ng wala si Stepanie," sabi ni Charlotte. Napatingin naman sa kanya ang binata.

"Yung manika mo?"

"Hindi lang siya basta manika!" biglang nagkunot ang noo ni Toffer.

"Patawad," sabi ulit ni Charlotte. Akmang tatayo na siya ngunit hinila ulit ni Toffer si Charlotte paupo.

"Osige, hindi na siya manika, naniniwala na ako sayo," sabi ni Toffer. Hindi niya alam kung bakit niya iyon sinabi kay Charlotte ngunit nararamdaman niyang tama iyon.

"Talaga? Naniniwala ka sa akin?" tama nga si Toffer, nakukuha niya ang loob ni Charlotte. At doon nakaisip ng paraan si Toffer upang malaman ang pagkatao ni Charlotte.

"Oo naman, bakit naman hindi?"

"Hindi mo akong iniisip na baliw?" umiling naman ang bata. Totoo. Hindi niya iniisip na baliw si Charlotte dahil pakiramdam niya ay may dahilan kung bakit ganoon si Charlotte. Parang hindi naniniwala si Charlotte sa sinabi ni Toffer. Hindi siya kumbinsido. Kaya nagsalita ulit si Toffer.

"Hindi ko iniisip na baliw ka, at naniniwala ako sayo. Pangako yan. Magkaibigan na tayo, hindi ba?" at doon siya niyakap ni Charlotte. Sa di malaman na dahilan ay napangiti si Toffer sa ginawa ni Charlotte.

'May kaibigan na ako!' sa isip ni Charlotte. Nagulat ang dalawa ng magbukas ang pinto ng guard house ng napakalakas, naghintay sila ng tao na lalabas ngunit wala. Lumamig ang buong paligid. Parehas nangilabot ang dalawa. Napatingin sila sa langit.

Makulimlim. Tumayo noon si Toffer saka akmang lalapit sa pintuan ng guard house. Pinigilan naman siya ni Charlotte.

"Wag," naningkit ang mga mata ni Toffer lalo sa sinabi ng dalaga.

"Wag mo kong iwan dito mag-isa,"

"Hindi kita iiwan, titignan ko lamang," hindi na nakapagsalita noon si Charlotte. Sa paglapit ni Toffer ay may naaamoy siyang masang-sang na amoy na galling sa loob ng guard house.

Napahawak siya sa kanyang ilong. Noong sinilip niya ang loob ng guard house ay napatulala siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa nakikita. Lumapit sa kanya si Charlotte. Tinignan niya rin ang nakita ni Toffer. At doon nagtitili si Charlotte.

5 Seconds to HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon