ISA

95 7 0
                                    

ISA

"MR. Madrid, please read page 13 first stanza,"

Tumayo ang lalake habang hawak ang libro bago magsalita.

"Hell is a place regarded in various religions as a spiritual realm of evil and suffering, often traditionally depicted as a place of perpetual fire beneath the earth where the wicked are punished after death."

Umupo ang binata at nakinig sa kanilang guro.

"Yes, our lesson for today is about hell. Now, magkakaroon tayo ng debate, kung saan ang isang grupo ay ipaglalaban na ang Hell ay totoo, at ang isang grupo naman ay ipaglalaban na ang hell ay hindi totoo," sambit neto. Nagtunguan naman ang mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro.

"Okay class, group yourselves into----"

"Sir Oltevar,"

Napatigil sa pagtuturo ang kanilang guro at tumingin sa pumasok, ang principal.

Tumayo ang lahat upang magbigay galang at binati ito ng magandang umaga. Sumenyas na lamang ang principal para sila ay umupo.

"May transfer student tayo ngayon, so ito nga. Dito sa section siya inasign." Nagsibulungan naman ang mga mag aaral. Kesyo, bakit daw may transferee ee malapit ng matapos ang school year, sino kaya ang mga ta transfer, at sana daw lalake at gwapo ang bago.

Tinawag ng Principal ang bagong estudyante, pinatahimik naman ng guro ang mga estudyante. Pumasok ulit ang principal kasama na ang bago.

Kinilabutan si Toffer, ang estudyante na tinawag kanina. Tinignan niya ang bago. Iba ang dating ng babaeng iyon. Mahaba ang buhok na magulo, may bangs din ito ngunit natatakpan ang kaliwa netong mata, nakayuko ito habang medyo tumatawa, may yakap yakap ito na manika,  pero tumindig talaga ang balahibo ni Toffer ng masama itong nakatingin sa kanya.

"Siya si Charlotte Santiago, mahiyain siya kaya pakabait kayo sa kanya ha?" Ngumiti ang principal saka lumabas.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid. Lahat nangingilabot kay Charlotte na mismong guro nila ay hindi makapagsalita.

Masama padin ang tingin ni Charlotte na habang nakangisi kay Toffer pero hindi nagpatalo si Toffer. Tinitigan din niya ito ng masama at tumindig lalo ang balahibo niya nung lalong ngumisi si Charlotte. Why do I have this weird feeling about this girl?  Tanong niya sa kanyang isipan.

Tumikhim ang guro saka nagsalita.

"Okay, Ms. Santiago. You may take your seat," tumungo si Charlotte tapos naglakad ng dahan dahan papunta sa pinakalikod na bakanteng upuan—katabi ni Toffer.

Umupo ang babae saka tumahimik habang minamasdan ang mga kaklase.

Nagtataka si Toffer dahil nakangisi padin si Charlotte. Bakit may hawak siyang manika? Tanong niya, nagulat siya nung biglang tumingin sa kanya si Charlotte.

Ang mga mag aaral ay napatingin kay Charlotte nang tumawa ito ng pagkalakas lakas na kikilabutan ka talaga.

Bigla itong ngumiti at tumingin sa mga kaklase niya, "Wala lang," tapos tumawa ito ng bahagya.

Baliw ata itong babaeng 'to, dapat sa mental siya hindi dito.

Huminga ng malalim ang guro,

"A-anyway, back to the discussion. Girls VS Boys tayo, ang boys ay ipaglalaban ang 'Totoo ang hell' samantala ang mga Girls naman ay sa 'Di totoo ang hell', okay go your group. Pag usapan niyo na kung sino ang representative niyo. Now, One minute,"

Tumayo ang mga mag aaral saka pumunta sa mga kagrupo. Tumayo si Toffer ay lumapit sa mga lalake, mahina siyang sinuntok ng kanyang matalik na kaibigan na si James.

"Alam mo na ha? Hahaha," Tumingin ng masama si Toffer kay James.

"Ano pa nga ba? Tsk,"

"Hahaha. Oo nga pala bay, ang weird nung bago ano? Nakakapangilabot!" Sabi ni James na yakap yakap ang sarili habang nakatingin kay Charlotte. Umiling nalang si Toffer saka tumingin kay Charlotte na nakaupo lang habang nilalaro ang kanyang manika.

"Take you seats, now. Dalawang representative, tumayo na sa harapan. Pwede tumulong ang mga members, at kung sino ang manalo plus points sa quiz,"

Naghiyawan naman ang mga estudyante maliban kay Toffer at Charlotte. Tumayo si Micah at pumunta sa harap ganun din si Toffer.

"Boys ang mauuna, 2 minutes starts.....now,"

"Totoo ang hell, dahil doon napupunta ang kaluluwa ng mga taong gumagawa ng kasalanan dito sa lupa. Doon sinusunog ang mga makakasalan upang maparusahan. Tingin niyo, kung wala ang hell, saan mapupunta ang mga kaluluwang masasama?"

Napaisip ng matagal si Micah ngunit nagulat ang lahat nang tumayo si Charlotte saka nagsalita.

"Kung totoo ang hell, bakit tayo nasasaktan dito sa lupa? Bakit kailangan nating harapin ang buhay ng sobrang hirap at sobrang sakit? Bakit tayo dito pinunta kung may hell naman? Upang makapagdesisyon ang Diyos? No, walang Diyos. Walang langit, walang porgatoryo at mas lalong walang hell dahil dito mismo sa lupa. Mararanasan natin yun ang sinasabi niyong hell,"

Nakangisi nitong sagot. Nagulat lahat at ang iba naman nagtaka sa sinabi niya.

Napahanga at tumindig ang balahibo niya sa sinabi ng dalaga. Pero natakot na siya noong may dinugtong ang dalaga habang nakatangin sa kanya.

"Sooner, or later,"

5 Seconds to HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon