Messages
___
Palawan 2024
July 22
MON, 8:02 AM
Eli:
Samahan nyo ako sa palawan
(2👍)
3:32 PM
Silas:
@Vincent Ildefon
Bakit ang pupula ng mata nong mga kasama mo???
Inaway mo?
Vince:
Do you think mang-aaway ako ng bata?
Eli:
Yumenet like my answer
But atleast I'm answering 😂
Yes oo mukhang nag-papaiyak ka nga ng bata
Silas:
Hindi naman bata si via
But same thing
Vince:
For a record di ako nagpaiyak sa kanila
It's somewhat via's fault
Silas:
Nanisi pa e mukhang umiyak din si via
Vince:
Totoo naman
Di niya agad nasundo pamangkin niya kaya umiiyak na yon bago pa siya dumating
Tapos nong di niya napatahan naiyak na rin siya, pati si ida nakiiyak na din
Silas:
Totoo ba?
Eli:
Ay hahahahaha ang kukyut
Silas:
Buti nakaya mo yon????
Ang bilis mo magpanic pag may umiiyak
Vince:
Kapag bata kaya ko patahanin
Pero si via pa rin naman nagpatahan don sa dalwa
Ewan ko parang nahiya yata sina ida sa iyak niya hahahaha
Mas malakas pa kasi sa dalwang bata
Nakatingin na lang yong dalwa sa kanya tas siya naiyak pa rin
Eli:
Ay ang kyut 😔
Silas:
Ang hilig mo sa cute
Cute na cute ka din kay lili noon
Eli:
Ay ano gusto mo sabihin????
Si august pa rin pinakakyut sa lahat 🥰
(😩)
3:49 PM
Eli:
bumped a message:
Samahan nyo ako sa palawan
Silas:
Palawan 2024 pa niname mo sa gc tas magca-cashout ka lang naman
(😂)
Eli:
Samahan nyo ako ha
Seen
___________
boss ate
July 22
MON, 3:32 PM
Bea:
O ano nangyari sa inyo hahaha
Bat ampupula ng mata nyo?
Inaway mo ba mga bata?
Via:
Inaway ko agad?
Di pwedeng ako yong inaway?
Bea:
Masyado kang gusto ng mga bata para awayin ka nila
Via:
Grabe
Complement ba yan???
Bea:
Hinde
May gayuma ka siguro
Bilisan mo dyan
Tumatae ka ba
Via:
Ang sagwa mo talaga te
Nag-aayos pa aq
Ampula pala ng fes q huhu
Tas medj maga mata 😔😭
Bea:
Napakaiyakin mo talaga
Wag ka na mag-ayos
Wala na yan igaganda
Via:
Dedma sa bashers hmp
Bea:
Gaga ka
Bilisan mo
Kapag umiyak na naman si nico dito
Via:
Ay hindi yan te iiyak pag madaming pogi sa paligid
Trained ko na yan
Dapat strong independent woman pag may pogi
Pwedeng maging iyakin pag wala
Bea:
Baliktad yata????
Strong pag mag-isa, soft girl w jowa
Via:
Ay wala pa naman jowa, mayabang ka
Saka confidence attract confidence 🥰
Bea:
Kaya umiyak ka sa harap ng crush mo????
Via:
I didn't cryyyy
Bea:
Me when i lie
Via:
Hindi kayaaa
Ano lang
Naluha
Slight
YOU ARE READING
Anything, Everything (Into You #3)
Teen FictionAn Epistolary ᥫ᭡ What if you finally had a chance to pursue your long-time crush, but the problem is that he's probably still in love with his ex? Long story short, she fell first-of course she wants him to fall harder, and maybe he will. ₊˚ʚ ᗢ₊˚✧...
