7

25 2 1
                                    

Messages
___

sibs 🥰

July 22
MON, 8:29 AM

Via:
Kuya @Vince Andre may parcel na dadating sa house nyo hehe 🥰
Kuya @Vance Aeron sabi ni mama umuwi ka man lang daw this vacay

Vince:
Bayad na ba yon via
Si ate mo ang nasa bahay, nasa office na ako

Vance:
Ako nagbayad non
Dyan in-address para daw di makita ni mama 😂

[Kuya @Vance Aeron sabi ni mama umuwi ka man lang daw this vacay]
Replied: Nagpaparami pa akong pera, andami mo pa gusto ipabili
(🥰)

Vince:
Ayaw nyan umuwi kasi hahanapan na naman ni mama ng jowa hahahaha
(😂)

Via:
Haha when kaya aq hahanapan ni mama 😔

Vance:
Ang bata mo pa cornelia valentine!

Via:
Hello???? I'm 21 naaaaa
Si kuya vince nga 16 pa lang jowa na si ate

Vance:
E wag ka gumaya dyan bad influence

Vince:
Ako pa talaga
E kaya ka naman walang jowa kasi papalit-palit ka ng babae

Via:
That's bad kuya van
Chickboy ka pala
Baka naman gulatin mo kami ha
Imbes na jowa iuwi mo, anak na hahaha
(😂😠)

Vince:
Di ako magugulat
Tas mas matanda kay nico no hahaha

Via:
Tinaguan ng anak kasi nakitang may kasamang ibang babae
Tapos may makakasalubong siyang 6 yrs old na bata sa mall
Makakaramdam siya ng lukso ng dugo tapos kamukha niya yong bata
Then makikita niya yong nanay na hinahanap yong bata

Vince:
Okay din sana yong "magkano kailangan mo para layuan ang anak ko" plot kaso di tayo mayaman
Sa sobrang tipid ni mama itatabi niya na lang yong pera 😂

Vance:
You both should stop reading
(2🥺)

Via:
So pikon hahahaha
Miss ka lang namin
Uwi na plsss

Vance:
Ayoko nga
Pag namimiss mo ako may gusto ka lang ipabili e
Mas malala ka pa sa bata
Si Nicolette masaya na makakita lang ng poging tito

Via:
Ay kuya
Di mo ba halata
Kaya ka lang tinatawag ni nico na tito pogi kasi lagi mo sha binibigyan ng chikolet 😂
(😂)

Vance:
No
Bawiin mo yan
Di kita bibigyan ng allowance 😠
(😂😭)

Vince:
It's okay v hahahaha
Turn ko naman ngayon sa allowance mo

Via:
Haayyy
Kaya talaga ikaw fav ko kuya vin 🥰

Vance:
Di mo man lang naisip na iisa lang mukha natin
Tas papayag kang pangit ako sa mata ng anak mo
(😂)




2:59 PM

Via:
Kuya @Vince Andre huhu 
Ngayon ko pa lang masusundo si bebe
Andami customers di me agad nakaalis

Vance:
Nako vince wag mo bigyan ng allowance yan

Via:
Heh


3:19 PM

Vince:
Nasundo mo na si nico @Cornelia Valentine?
Sorry katitingin ko lang sa phone












Anything, Everything (Into You #3)Where stories live. Discover now