Messages
___
Burry Cats 😽
Aug 7
WED, 6:17 PM
Sam:
Sama kayo pls
Nag-aaya si ate bea ng outing
Dani:
Teh fam outing ba yan?
Sam:
Oo dapat
Kaso ayaw ni ate kasama sina tita hahahahsha
Baka sumama iba namin pinsan pero majority mga tropa lang
Kaya sama kayoo
Via:
Sasama ba bebe q 😊
Sam:
Aba malay ko don
Via:
Alamin mo plsss
Dani:
Girl ano aasahan mo dyan kay sam hahahaha
If magpapapilit ka wag mo na asahan na pipilitin ka nyan
Via:
Nagtatanong lang ii
E malay nyo naman kasama din bebeq kahit natamad siya 🤩
Sam:
Ipagpray mo na lang na sumama
(🤩)
Via:
Sure sure 🥰
Sam:
Pero feeling ko sasama
For celeb daw kasi tapos na duty nina silas yon
Kaya malay mo diba
Via:
Ay jusko teh
Sana sipagan ang bebe huhu 🙏🛐1
Dapat ako pinakamaganda don ha
Wag nyo gagandahan ng outfit
Sam:
That's not gonna happen
Kapag di niya naappreciate ganda mo just because magaganda din kasama mo then he's not for you
(😭)
Via;
But im for him!!!!
(2😂)
Wala siya magagawa
Wala siyang choice
6:20 PM
Dani:
When yan?
Sam:
Saturday
Via:
Wala pa aq susuotinnnn
Sam:
Ang dami mong damit anong wala
Via:
May pics na ko non 😔
Dani:
Kaya nag-aaway kayo ni tita lagi e
(😂😭)
Saan daw ba pupunta?
Sam:
Ilog yata or falls
Not sure pa
Via:
Ay bet
Magko-crochet ako ng susuotin shshshshahs
May bago ako colors 🥰
Sam:
Di ka naman nawawalan ng bagong colors teh
Dani:
Kahit nga di pa ubos may bago na siya ulit 😂
Via:
E ang cute
Kahinaan ko nga cutiess 😭
Dani:
Hinde beh
Kahinaan mo yong matangkad na moreno na nakamanbun
Via:
Medyo tama naman
But to be exact
SI VINCE PO KAHINAAN Q HINDI KAHIT SINONG MATANGKAD NA MORENO NA NAKAMANBUN SHSHAHAHSHAKSBSJAHSH
(😭)
____________
boss ate
Aug 7
WED, 6:19 PM
Bea:
Sinabihan kayo ni sam?
6:25 PM
Via:
Na mag-aouting???
Yes po
Ikaw ate ha
Di pa sapat 5 times a week na magkasama tayo
Gusto mo pa ako makasama ket weekends 🥰🥰🥰
Bea:
Wag ka na lang sumama
Via:
Grabeeee 😂
Mahal na mahal mo talaga aq ha
Bea:
Alam mo yang mga pinagsasasabi mong yan magpapahamak sayo
(😂)
Via:
Grabe talaga 😔
Ay ateeeeeeeeeee
Pwede ba magrequest na overnight yong gala 🥰
Bea:
Pwede siguro
Iwan ka namin don
Via:
😔
Bea:
Makarequest ka dyan e di ka pa yata nagpapaalam
Via:
Payag yon si mama
Kay kuya vin ako delikado
Bea:
Magapaalam ka muna girl tas saka ka magrequest ng kung ano-ano
YOU ARE READING
Anything, Everything (Into You #3)
Genç KurguAn Epistolary ᥫ᭡ What if you finally had a chance to pursue your long-time crush, but the problem is that he's probably still in love with his ex? Long story short, she fell first-of course she wants him to fall harder, and maybe he will. ₊˚ʚ ᗢ₊˚✧...
