ix: Almost Grounded

250 5 1
                                    


Alden's POV

Nanaginip ako na nakikipaglaro daw ako sa Hogwarts. Naghahabulan kami nila Harry nang bigla akong mahulog sa bangin. *Blag

I slowly opened my eyes and was greeted by the carpet. I really fell?! Shit ang sakit ng noo ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan and dinaluhan ako ng asawa ko. "Mahal hoy ano nangyari sayo? Ikaw ba yung kumalabog?!"

I cringed and slowly rose. Napaupo ako sa bed. "I was dreaming," usal ko.

Biglang nag-iba ang mood ni Kathryn. She pinched my side. "Sino ba kasi nagsabi sayo na magpakalasing ka kagabi?! Hindi mo naman lang naisip na may batang makakakita sayo? Tsaka, hindi ba't unang araw ng bagong project nyo ngayon?"

"Ha? Tang—"

She covered my mouth. "Ituloy mo at makakaranas ka talaga paano maging grounded na mister."

I pursed my lips and gently removed her hand. "Sorry, Love," I told her and pasimple akong tumingin sa orasan. Mabuti nalang 10AM palang. "Mahal, mamayang hapon pa yung shoot sa studio. Ano'ng breakfast natin?"

"Breakfast? Magtatanghali na. Pinaubos ko na yung breakfast kila Kuya Dado."

Nagdagdag kami ng mga staff dito sa bahay at nang hindi naman mapagod si Yaya. Lahat naman ay galing sa mansyon ni Lolo. Pero... wala ng pagkain?! Magbubukas na naman ako ng spam nito.

"Daddy! Daddy!!!" Tumatakbong sigaw ni Kaiah

Naku po. Naramdaman kong kinurot ako ng slight ni Kat.

"Ikaw ang mag explain dyan sa anak mo kung ano yung nakita nya kagabi," she sternly said and kissed our daughter before leaving the bedroom. "Sumunod ka sa baba. Ipaghahanda kita ng breakfast mo." Inirapan pa ako. Ganda talaga ng misis ko.

"Thanks, Love. Ako na maghuhugas mamaya."

Meanwhile, my daughter sat beside me and her arms across her chest. "Daddy, yow like a wobot last night."

"Daddy was just sleepy, baby."

"Yow sick, Daddy. You vomited. Mom was angwy."

Shit.

"I'm sorry, Baby. From now on, Daddy will be healthy always so I won't get sick. By the way, did you take a bath already?"

"Yes, Daddy. How about you?"

"I'm just about to, baby."

"Should I wait foh you, Daddy? Yow fine? Not sick na?"

"Daddy is fine na. How about you follow mommy downstaiws and pwepawe my coffee, baby?" Nahawa na ako sa pagkabulol nitong prinsesa ko.

"Alwighty, Daddy."

Nagkalat pala ako kagabi. Kailangan kong bumawi kay misis. Psh.


.
.
.











Sumilip ako sa office nya which is located lang din across mine. "Love, alis nako."

"Sige, ingat ka." Ang tanging sagot lamang nya habang seryoso kaka-type. I walked towards her and kissed her head. Kahit naman ganitong cold saken to, kailangan ko parin magpaalam ng maayos sa kanya.

Nakalabas nako ng office nya nang maalala kong ngayon nga pala ang birthday ni Doc Aivee. Bumalik ako sa loob. "Love, hindi ka ba pupunta sa party ni Doc mamayang gabi?"

"Pupunta."


This time nakatingin na sya sa akin. "Ihahatid kita," I said.

"No na. For sure uumagahin ka na naman sa studio."

"Edi susunduin nalang kita."

"If you say so."

Napasuntok ako sa hangin. Level 1 lang ang inis ni Kathryn. I will make sure mawawala na to mamaya.

"Pipilitin ko parin makapunta nang maaga, okay? Bye. Make sure to watch your liquor."

"Coming from you talaga?"

"Grabe naman to. Sorry na kasi, mahal."


"Hindi pa tayo tapos sa usaping yan."

"Alam ko naman."

"Sige na, umalis ka na. Bawal ka ma-late sa trabaho."

I smiled. God, what greatness had I offer the world in my past life to deserve someone like Chandria now?

I inched closer again and kissed my wife.

Bigla namang bumukas ang pintuan. "OH MY GOD SPG!!!"

Kathryn scoffed and I turned around to see Justine and JV. Sanay narin ako sa mga ito na basta basta nalang pumapasok sa office ni Kathryn. I smirked. "Bless your eyes, guys."


"Naku, parang on the way na si babay number 2 ah!" Napatakip pa si Justine ng bibig nya. Grabe talaga to sa ka-OA-han.

"Daming alam," I said and bumped cheeks with her. "Mauuna nako sa inyo. I'll see you guys tonight." Nag fist bump narin kami ni JV.


Sumilip narin ako sa kwarto ng anak namin. Mahimbing ang tulog ng prinsesa.


Naghabilin narin ako sa driver namin na ihatid sila Kathryn sa venue pero wag na hintayin kasi ako ang susundo. I'm sure mabilis lang matapos ang first day shoot kasi puro sa studio lang naman and present din ang assistant director ko.


My phone rang and sinagot ko agad nang makita ko ang pangalan ni Ashley. "What's up?"


"Where did you hide him?!"


"Ha?!" Nagbuffer muna ang utak ko. Ay pucha... si Oliver pala nasa maoy era. Hindi pa nga yata umuuwi. "Ash, kalmahan mo muna. Nagddrive ako."


"Sorry. Nasan ba kasi yang pinsan mo? Kagabi pa ako nag-aalala sa kanya. Hanggang ngayon hindi parin umuuwi sa pad nya. Alam kong kayo ang magkasama kagabi, don't dare lie to me."


"Oo kami nga pero Ash, I guess pabayaan mo na muna si Oli. He'll come around."

"I just want to talk to him."

"Alam ko pero bigyan mo na muna ng space ang tao and time na makapag-isip. I'm sure he'll come around. Yun pa ba? Eh baliw sayo yung pinsan ko na yun eh."


I heard Ash sighed on the other line. "Basta pakisabi na nag-aalala ako sa kanya.. kahit yun lang."


"Sure."






The call ended and I focused with my driving already. Kung gaano ka-smooth sailing ang relasyon namin ng asawa ko, sya namang bumpy ng relasyon nung dalawa. Yung ex kasi ni Ashley umeeksena na naman.

Umay talaga sa mga ex na habol ng habol. Ang gulo. Wala pang alam si Kat sa mga nangyayari. Ayoko na muna sabihin kasi sabi ni Ash baka gyerahin ng asawa ko si Tray. May pagka amazona pa naman yun. Akala mo malaking tao. 🙂‍↔️

Hay... ang cute ng asawa ko. Mamaya gagawa na naman ako ng listahan ng knock-knock jokes. Gustung gusto nya yun eh. I need to make peace with her fully and promise not get drunk anymore. ✋🏻

Hello, Love, I'm Home!Where stories live. Discover now