A/N
Readers sorry po medyo natagalan ang UD ko dito, pero eto na po ang part 2:)hehe
_____________________________________________________________________________
Chapter 47
part 2 of Hometown visit...
Jaime's POV
Black Saturday....
Matapos ang prusisyon kahapon, nag-aya naman sina tita Grace na pumunta kami sa Maniwaya Island ngayon para magswimming sa isang white beach resort doon, sabi nila sulitin na raw namin ang araw dahil bukas babalik na kami ng Manila, at dahil excited ang lahat, maaga kaming umalis ng bahay dahil may inarkila ng malaking de motor na bangka si papa at kami nalang ang iniintay...
" Ay first time kong sumakay sa ganitong bangka!! ang sarap ng hangin!!" sigaw ni Meichi..
Habang si Gian nakaupo sa may gilid ng bangka at nagpipicture..
" Woooohh!! laki ng isda!! nagtatalunan pa o!! click!! angas!!" sigaw ni Gian..
" Gian baka mahulog ka dyan, wag kang makulit!" saway ko sa kanya, tumatayo-tayo pa kasi sa bangka!
" smile muna!"
"ha?! ayan ka nanaman eh! yung magandang view na nga lang picturan mo!"
" okay:) click!" nang biglang nagflash ang camera sakin!
o_O
" tsk! Gian naman eh! bakit ako?! "
"sabi mo magandang view? eh di pinicturan kita! maganda ka pa kasi sa view.. *wink*"
>///////////////////////////<
" kassssiii!!! ihulog kita dyan eh!!"
"Yiieeee!! ang dami mong alam Gian!!haha" asar nina Adrian! si Gian kasi eh!
"Nako Jaime hija, hindi marunong lumangoy yan!haha" sigaw ni tita grace, hindi pala marunong lumangoy si Gian?
"Ay ganun tita beauty? naku si Jaime rin po hindi marunong!hahaha" dagdag naman ni Meichi -__-
" Yun oh! alam na! ihagis mamaya si Gian at Jaime sa dagat!!hahaha" adrian
" sama mo naman tol!! sige subukan mo! pag namatay kaming dalawa ni Jaime, hihilahin namin ang paa mo sa kama mo at lulunurin ka namin!"
"joke lang dre! hindi ka naman mabiro!haha delikado pala kayong iwan dito sa bangka ng dalawa lang kayo, pareho kayong malulunod!haha"
habang nag-aasaran sina Adrian at Gian hindi namin namalayan na nasa gitna na pala kami ng dagat at wala na halos matanaw na bundok, lumalakas narin ang alon...
Pero si Gian, tuluy-tuloy parin ang pagkuha ng picture na pati alon pinipicturan hanggang sa....
Splaaaaasshhhhh!
" Oyy pakshet ang lamig!! takte!!" nabasa si Gian ng alon pati ang camera niya!
" Yun oh!! sapul!! kawawang camera!!haha" asar ni Adrian
" ayos lang! waterproof naman to eh! haha pero ang lamig ng tubig! ang alat pa! potek!"
"kaya pala malakas ang loob magpicture! waterproof pala!! nayari mo kami dun ah! nag-alala kami lahat sa camera mo!!" kerwin..
BINABASA MO ANG
NOT my super FAN GIRL??? [COMPLETED]
Teen Fiction[Currently Editing stupid newbie errors:p] Maria Clara?? meron pa bang ganun? nag-eexist pa nga ba ang mga tulad nila sa isang modernong mundong tulad nito? lalo na sa mundo ng musikerong tulad ko na araw-araw hinahabol ng mga "fangirls" ika nga ni...