Chapter 02: He's a Miss Gay
Cristel's POV:
"Hoy, Cristel! Si Jarred oh! Yung badinglet mo!". Nanlaki naman ang mata ko dahil sa malakas na boses ni Vina sa tabi ko. Tinuro niya pa ito na halatang-halata. Nagmamadaling ibinaba ko ang hintuturo niya. Mabuti na lang talaga ay nakatalikod si Jarred at hindi nila kami narinig.
Oo, nila. May mga kasama si Jarred. Ang tatlo niyang kaibigang bading rin. Matagal na silang magkakaibigan noong freshman college palang kami at hanggang ngayon na malapit na kami makapagtapos sa college journey namin ay magkakaibigan pa rin sila. I think, hindi naman sila bad influence kay Jarred. Mukhang masaya naman siya sa kanila, tuwing magkakasama.
"Epal ka talaga, Vina. Huwag mo siya ituturo, nakakahiya. Baka mabuking ako". Warning ko kay Vina na tinawanan niya lamang ako.
"Bakit kasi hindi ka pa umamin? Grabe, ilang taon mo na bang crush 'yang si Jarred? Hindi na nga 'ata crush ang tawag dyan, mahal mo na 'ata eh!".
Tinapat ko ang hintuturo ko sa bibig ko pahiwatig na tumahimik siya. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng 'to. Abot hanggang planetang mars.
Huminga ako ng malalim at nagawi ulit ang tingin sa direksyon nila Jarred. Umupo rin sila sa kabilang bleachers malapit sa kinauupuan rin namin ngayon. Nagkukwentuhan at nagtatawanan habang nanonood rin ng soccer game sa field.
Totoo nga bang mahal ko siya? Alam kong first love ko siya pero hindi ako sigurado kung gaano na ka-deep itong paghanga ko sa kaniya. Palagi na lang talaga akong nakatanaw sa kaniya sa malayo. Admiring him from afar is fine with me. Just seeing him smiling and laughing seems to be enough for me to be attached to him. Especially, those gray eyes of his that make my knees weak so that I fall harder, his face is so bossy that it seems to squeeze my heart , the way he looks and his voice is so addictive, that's enough to make me fall over and over again.
"Look! Fian Vez Alfredo, glance to our direction! Or should I say, your lovely crush is looking at you, Jady!!".
Lumingon ulit ako sa direksyon nila. Nagsitilian ang mga kasama niya nang sumigaw bigla ang isa sa kanila. Tinignan ko ang mukha ni Jarred. Nahihiyang tinakpan niya ang mukha na parang kinikilig habang inaasar siya ng mga kasama niyang tumatawa lamang. He touched his not so long strand of his hair to hide it under his ear.
Namumula ba talaga ang mga pisngi niya o makapal lang ang blush on na nailagay niya ngayon?
Jarred had a beautiful feminine face as a guy or must I say, a gay. He has those perfectly arched eyebrows, pointed nose, fox gray eyes, long eyelashes, and his pinkish bulk lips na ang sarap halikan kung nagkataon. He's blue ombre hair is not just that so long, mahaba ang mga ito hanggang sa pisngi niya.
Naglalagay rin siya ng makeup sa mukha minsan pero yung light lang na simple upang bumagay sa kaniya. His course is a fashion and design arts. Mahilig siya sa mga pagpapaganda at kung magiging modelo man siya, paniguradong mas marami akong magiging kaagaw sa kaniya. Admirer niya pa nga lang rito sa school ay hindi ko na kinakaya.
Natapos ang soccer game sa field nang hindi ko man lang napapansin. Wala kasi sa laro ang atensyon ko kundi nasa baklitang 'to. Pinapanood ko lang lahat ng galaw niya habang nanonood sa crush niyang si Fian. Wait....
"Huh?!!". Napatingin agad ang lahat ng tao sakin na gulat na gulat dahil sa biglaan kong sigaw. Bigla rin kasi akong napatayo na parang akala mo ay nakakita ng multo.
Bakit hindi ko agad naproseso sa utak ko ang sinabi ng kaibigan niya? Malinaw pa ang pandinig ko para hindi malaman ang mga sinabi nito at ang pang-aasar nila sa kaniya.
YOU ARE READING
THE FLAMES INSIDE HIM
De TodoCristel Solace Dolores. A girl college student in course of business management and finance who's inlove with her ultimate campus crush. Still, there's a problem, he doesn't want her nor reciprocate her feelings at all because of a one reason. He's...