Chapter 03: Project

3 0 0
                                    

Chapter 03: Project

Cristel's POV:

Natapos ang pageant at ang dakilang si Marimar ang nanalo. Jarred is so happy to get the reward. Muntikan pa nga siyang madapa sa suot niyang heels at maiyak habang kinukuha yung trophy at sinasabit ang tansong korona sa ulo niya. Syempre, I give him a highest score because he deserves it.

Tumayo ako sa kinauupuan ko nang kumokonti na ang tao at nagliligpit na ang iilan dahil tapos naman na ang pageant. Umuwi na rin ang iilang mga nanonood kanina sa kanilang mga tirahan upang matulog at magpahinga. Malalim na rin kasi ang gabi nang matapos ang paligsahan ng mga kalahok. Nagpaalam ako kay Fian na pupunta lang saglit sa tindahan para bumili ng makakain kahit hindi naman talaga 'yon ang intensyon ko. I just make that excuse para puntahan si Jarred sa backstage at kausapin siya.

Luminga ang ulo ko para hanapin si Jarred. Then, I saw him putting away his wig and other costumes or props earlier.

Lumapit ako sa gawi niya nang dahan dahan habang nasa likod ang mga kamay. Sumilip ako at nakangiting kinalabit siya upang harapin niya ako. He eventually raised his eyebrow when he face me. I saw the bronze crown above his head and he doesn't even remove it for a while. I smiled.

"What do you want now?". He asked.

"Nothing. Nahalata mo na palang nando'n ako kanina". Sabay awkward akong tumawa na mas lalo lamang ikinakunot ng noo niya.

"Probably, you also realized that it was me on the stage". He boredly said while fixing his stuffs inside his black bag.

"I-I wanted to tell you something". He confusedly turn his head to face me when I said that words.

Wala ng atrasan 'to! Say it or leave it!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago magsalita. "I-I....".

"I need you".

"Huh?".

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla siyang sumingit. Napamaang ako at hindi maintindihan kung anong sinasabi niya. Napansin kong huminga rin siya ng malalim. He desperately look at me in the eye, like he's referring about something.

"I need you to help me. I want you to be a bridge for me and Fian. Be a cupid just this one, please". Napanganga ako at nagpantig ang tenga ko nang malaman kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Gusto niya pang gawin akong si kupido o maging tulay sa kanilang dalawa ng taong gusto niyang si Fian?!

Wow, kung hindi lang kita mahal baka mabatukan pa kita para magising ka sa katotohanang ako na lang sana.

Tumingin ako sa nakikiusap niyang mga mata habang nakahawak pa ang mga kamay niya sa magkabilaan kong kamay. Wala akong muwang na dahan dahang tumango para bigla siyang ngumiti at niyakap ako na wala sa sarili.

I feel that my heart rate pound faster and my cheeks is now burning when he touch me and hug me even if it's just for a second. Tuwang-tuwa siya habang ako naman ay parang wala sa tuliro na nakatulala lamang sa masaya niyang mukha. Ano ba 'tong ginagawa ko? Bakit ako pumayag kahit alam kong masasaktan ako?

NAGDAAN ang ilang araw nang medyo nagiging friendly na sa akin si Jarred. Nagulat nga si Vina at nagtataka nang biglang si Jarred na ang lumalapit sakin kaysa na ako naman talaga palagi ang lumalapit rito. Bumuntong hininga ako nang magtanong na naman si Vina sakin kung ano ang nangyari.

"Bakit nga kasi ayaw mong sagutin yung tanong ko, Cristty? Ano nga kasing nangyari? Bakit bigla ka na lang inaapproach niyang badinglet mo? Bumigay na ba ang bakla? Kayo na ba?! Oh my gosh ha! Bakit hindi mo sinasabi sakin? I'm your bff pa naman!".

THE FLAMES INSIDE HIMWhere stories live. Discover now