Prologue

17 2 2
                                    

"I can't believe she got the highest score on our exam. Eh, 'di ba nag-kodigo lang naman siya?"

Tumigil ang galaw ng hawak kong kutsara at tinidor nang marinig ang usapan sa katabi kong mesa. Gano'n din ang ginawa ng kaibigan kong si Shekynah. Si Melody naman na abala sa paglalaro ng mobile game, napa-tingin sa kaliwa namin. Pati ang pag-nguya ko ay bumagal just so I could hear more of their gossip while staring blankly on our table.

"Kanino naman kaya niya nakuha ang mga sagot niya? Sa mga lalaki niya?" rinig ko pang sabi ng isa.

My brows furrowed as I glanced at them. Kilala ko ang mga 'to. Si Christine at Mika. They're my blockmates and we used to be in the same circle not until naipon ang issues namin sa isa't-isa hanggang tuluyang nasira.

Well, I'm not the type of person to hangout with people whom I obviously don't click with. Hindi ako plastic, at kung alam kong ayaw sa akin, I'd walk out of their lives with my chin up.

Nahuli ko silang naka-tingin sa akin wearing their forever bitter expression nang lumingon ako. I raised a brow. Umiling sila, nagtinginan tas nag-tawanan ng mahina. Nagpatuloy sila sa bulungan. I hate it when people talk behind my back, lalo kung tanga 'yong nagsasalita dahil naririnig ko pa rin naman.

"Hindi na nakakapag-takha. Mandurugas 'yan, parang nanay niya," sabay tawa ni Christine.

My jaw clenched at what she said. Narinig sa buong cafeteria ang tawanan nila dahil bukod sa medyo malapit sila sa akin, kakaunti lang naman ang tao ngayon dahil class hours ang 2pm hanggang 3pm.

Nagkatinginan kaming tatlo ng mga kaibigan ko. Hindi sila gumawa ng kahit anong eksena pero ramdam kong naghihintay lang sila sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo, my nerves were shaking from the anger building up in my chest. I've had enough trouble these past few weeks. Ayoko na sanang madagdagan but these ugly bitches keep on testing my patience.

I tried to supress whatever I'm feeling inside. Ibinuntong hininga ko na lamang iyon ngunit hindi ko na magawang isubo pa ang nasa kutsara ko ngayon.

"Hindi naman niya kasi talaga deserve 'yon. Galing lang namang kopya," dinagdagan pa ni Mika ang pagpaparinig.

While doing my best to hold on to the edge of my patience, may nahagip ang mga mata ko.

Gwapo.

I distracted myself by watching that man make his entrance inside the canteen. The way he walked towards the food stalls was just so manly. His skin was fair. Matangkad at hapit! Just my type!

Ngumuso ako nang tumalikod na siya at pumila. Ni hindi ako nadapuan ng tingin. Now, all I could see was his broad and strong back from where I was sitting. Malinis ang uniform niya at lalaking lalaki ang tindig. Una kong napansin iyon bukod sa matangos niyang ilong.

"Balita ko hiwalay na ang mga magulang niya..."

Naagaw ulit nila Christine ang atensyon ko. Nagpangalumbaba ako while still looking over Shekynah's shoulder kung saan tanaw ko iyong lalaki.

Lumipat na siya ng stall. Mukhang may iba pang bibilhin maliban sa mga binili niya sa nauna. Marami-rami iyon so I assumed hindi lang para sa kaniya. Pang-maramihan na tao. Naka-side view na siya at kung minsan, lumilibot ang mata sa paligid. Hinintay kong lumanding ang tingin niya sa kinaroroonan ko but that didn't happen.

"Lalakero kasi ang nanay, siyempre madaming koneksyon. Kaya gano'n din ang anak. Magaling gumawa ng koneksyon," dagdag naman ni Mika.

Kumuyom ang kamao ko at muling napatingin sa kanila. This time, the irritation on my face was more visible.

"Sugurin na ba?" si Melody ang nag-alok, pressing her cellphone screen like a freak.

"Kanina pa ako naririndi sa dalawang 'yan. Baka ako pa kumaladkad sa mga 'yan palabas dito," banta ni Shekynah, hindi na nagalaw ang pagkain dahil nawalan na rin ng gana.

Nang hindi pa rin tumigil ang dalawa sa tawanan, tumayo na ako bitbit ang silya na inuupuan ko kanina. Natigilan ang mga kaibigan ko at my sudden move. Ganoon din ang mga bruha nang maka-harap ko na sila. Lumapit ako at pinwesto ang upuan sa gitna ng mesa nila.  I smiled at both of them.

"Oh? Bakit kayo tumigil? Nag-e-enjoy pa kayo pag-usapan ako, 'di ba? Go on. I'd like to hear more about myself."

Umirap si Christine at sumimangot naman si Mika.

"What?" Patay malisya kong sambit. "Kung kailan ako nandito saka kayo huminto."

"Can you leave us alone? We're trying to eat peacefully here," taboy ni Christine sa'kin.

The smile on my face disappeared and my mood immediately changed. "Ayoko nga."

"Papansin ka 'no? Nananahimik kami rito nanggugulo ka. Siguro kasi eskandalosa rin ang Mama mo kaya gano'n ka rin. Kung sino ang puno siya ang bunga," sabay tawa.

Anong nakakatawa ro'n?

"Bakit pati mama ko dinadamay mo sa insecurities mo?"

Tumigil sa pagtawa si Christine. "Excuse me? Ako? Insecure sayo? Asa ka."

Nanliit ang mata ko sa kaniya. I was just holding it together pero ang mata ko, bumababa na sa platong nasa lamesa niya.

"Edi ano ba talaga ang kinagagalit mo? Dahil nalamangan kita sa exam kahit parehas tayong nandaya... O dahil mas maganda ako sayo?" I smiled, raising my brows. "Or both?"

"Tsk! Who cares about you? Malandi at easy to get ka kaya ikaw ang nilalapitan ng mga lalaki. I don't compete with someone as cheap as you."

I smirked. "Gano'n pala... Then, don't be so fucking obsessed with me."

"Feelingera ka lang. Pwede ba? Leave so we can eat peacefully here."

"Fine." Tumayo na ako. Sabay silang napa-tingala sa akin. "Enjoy your lunch."

Pero bago ako umalis, tinapik ko pataas ang ilalim ng plato nilang dalawa at tumalsik ang mga pagkain na laman no'n sa kanilang uniform. I heard loud gasps from the people around us.

"WHAT THE FUCK?!" Sigaw ni Christine at napanganga sa basang basa niyang uniform.

"Oh, sorry! Natapon..." pang-aasar ko while covering my mouth pa to add some drama.

"What's wrong with you?!" Si Mika naman.

Ngumiti lang ako.

Halos mabuang si Christine sa kalagayan nila kaya ang ending sasabunutan na sana ako kaso hinawakan silang dalawa ni Melody at Shekynah. I smirked even more when I saw how pitiful and powerless they looked. May ibang estudyante na nakakita no'n at natawa.

"Next time, kung maninira kayo make sure malinis kayo. For all we know lahat naman tayo dinaya ang exam na 'yon. Bobo lang siguro ang source niyo kaya mas mataas ako. Stop barking like a mad dog. Kamukha niyo na nga, kasing ingay niyo pa."

Iniwan ko sila pagkatapos no'n. Alam kong makakarating na naman kay Dad ang balitang 'yon at baka this time magkaka-punishment na talaga ako pero hinanda ko na ang sarili. Kung ako lang, kaya ko pang pigilan ang sarili but when it comes to the people I love, I won't tolerate any kind of bullshit. Whatever the cost will be, I'd pay the price.

I don't care what others would think of me after witnessing all my ruthless actions. Kahit sino babanggain ko. Kahit masira pa ang reputasyon ko.

As I made my way out of that scene, muli kong nakita ang lalaking kanina ay pinagmamasdan ko. For some reasons, hindi sa kaniya nagtagal ang aking tingin.

Lumipat iyon sa katabi niyang lalaki. Hindi siya katangkaran but his aura was enough to draw my attention. His eyes were so intense that I almost couldn't take my eyes off of him. It was so intense that I could almost read how disappointed he was... and disgusted.

Inirapan ko siya at nilagpasan.

Hard to PleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon