Hindi matahimik ang utak ko habang palabas ng school. I kept on defending myself from the voices inside my head. The demons in my head say, "baka ikaw ang may gusto kay Nova?". Pilit ko naman 'yong dine-deny.
No—scratch that! Hindi ko pala dine-deny. There's no need for that! I don't like him at all!
Huminto ang SUV namin sa harap ng main gate. Sumakay ako agad doon at natigilan pa nang maabutang nasa loob rin ang kapatid kong si Chelsea.
She was already smiling at me when I sat beside her. Irap ang ganti ko kaya unti-unting nabura ang sigla niya.
"How was your day, Ate?"
Naiirita ko siyang tinignan. She looked very attentive, waiting for my reply.
"Ayos lang," sagot ko at bumaling na ulit sa bintana.
Obviously, hindi kami close. Simula pa noong bata kami, I already hated her so much. Siya ang paborito ni Daddy. Nasa kaniya lagi ang atensyon ni Mommy dahil sakitin siya. Noong mga bata pa lang kami, I would always have to give up my toys for her kasi anila'y panganay ako kaya magparaya na lang.
The hell I care if I'm older than her. What's mine is mine! Kaso tuwing pinaglalaban ko 'yon kila Mommy, ako parati ang napapagalitan.
We were also often compared to each other. Malakas daw ang appeal ni Chelsea compared to me because she had angelic features and petite body. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang labi at medyo kulot ang buhok. Sa akin naman, mukha daw akong snob. I'm not fat but I have fine body curves, my features are very defined; mataas ang cheekbone, at medyo full lips that's why I had this impression at first na mukhang maldita.
Well, maldita talaga ako.
"Galing pala ako sa mall. May binili ako para sa'yo."
May narinig akong ingay ng paper bag. Hindi ako lumingon kahit naramdaman kong inaabot niya sa akin.
"Ate," tawag niya.
Nilingon ko siya at tinignan ang inabot.
"Ano na naman 'to?"
"Naalala lang kita kaya binili ko. 'Di ba mahilig ka sa make up?"
I hate to say this pero ako lang naman talaga ang may issue kay Chelsea. Wala siyang ginagawang masama para kainisan ko. It's just that, I naturally hate her presence. Siguro, I'm insecure? Aminado ako roon. Kaya naman mas mabuti sa akin kung iiwas na lang siya. I seriously hate her company.
"Hindi naman kailangan-"
"Ate, tanggapin mo na naman." She pushed the paper bag to me. Nahawakan ko 'yon. "Pinag-ipunan ko pa 'yan. Wala akong birthday gift sa'yo last time, kaya ayan."
Tumirik ang isa kong kilay sa sinabi niya. Hindi rin naman ako nag-re-regalo sa kaniya. I don't get why she insists on giving me gifts that I don't even use because it came from her.
"Wala rin naman akong nireregalo sa'yo. Hindi ko 'to kailangan."
"Sige na naman, Ate. Minsan na lang tayo mag-kita. Galit ka pa rin ba sa akin?"
Bigla kong naalala iyong nakaraang alitan namin. Pinagagalitan ako noon ni Dad about my grades and I caught her laughing sa gilid with her phone. She defended herself na ang tinatawanan niya ay ang kausap but I still accused her of making fun of me. Naiirita na nga ako sa kaniya kahit nakalimutan ko na ang issue na 'yon. Lalo pa ngayong pinaalala niya!
"Swear! Hindi kita tinatawanan no'n, Ate. Can you forgive me?" she said in a cute tone.
Cute, my ass! Matalim ko siyang binalingan ng tingin and I smirked.
BINABASA MO ANG
Hard to Please
Teen FictionMarceline hated being the firstborn daughter in her family. Bata pa lang, her life felt like a competition against her sister, Chelsea-a competition she could never win. No matter how hard she tried, she was always the second best. When she met Nova...