Chapter 6

14 1 0
                                    

His words cut deep within me. Nainsulto ako.

How dare he invalidate my feelings?!

Ano ba naman 'yong konting motivation? Sabagay, why would I expect that from him? Nakalimutan kong he hates me nga pala.

"Gano'n talaga. Hindi lang isa ang boss mo kapag sa department ka naka-assign, lahat ng propesor," paliwanag ni Valerie nang puntahan ko siya sa physics.

Bumuntong hininga ako habang kumakain kami sa pantry ng office nila. I ordered lunch for us sa army navy. Hindi nga siya pumayag but I insisted since tinutulungan niya ako.

"Well, isa lang naman ang pina-print niya sa akin no'n. Can't they do that themselves?"

Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. Sobrang stressed na talaga ako. I've never been this stressed my whole life, ngayon lang talaga! Halos hindi na ako maka-punta sa salon para magpa-eyelash curl and nail extension kasi I find it annoying na mahaba ang nails ko tapos pinapag-hugas lang ako ng plato, damn!

"You know what, I feel like Ma'am Tasha's doing it on purpose. Kasi she embarrassed me in front of her students, akala niya yata hindi ko 'yon nahahalata!"

Tumingin sa akin si Valerie at nakinig lang.

"Tapos si Sir Siguenza, galit din iyon sa akin kasi sinumbong ako ni Nova for cheating on his exam-" natigil ako agad nang may sumagi sa isip ko. "And speaking of that suplado, alam mo sabi sa akin? Just quit! How rude, 'di ba?"

Natawa si Valerie sa reaksyon ko habang nag-ku-kwento.

"Baka naman hinahamon ka lang niya? To push you to do better."

I rolled my eyes out of frustration. "That's unfair. This is the best I can give, Val. I wouldn't sacrifice my shopping galore and night outs if I wasn't trying my best! They just won't give me time. Para silang daddy ko, palagi akong pinagagalitan."

Wala pa nga akong isang buwan sa trabaho na 'to, eh. Ano bang tingin nila sa akin, robot? Naka-program na sa sistema ko ang lahat ng kailangang gawin? I'm not even a fast learner!

"What do you expect? Of course they will order you around. This job doesn't let you choose who to follow. Whatever they say to you, you have no choice but to comply."

Para akong sinampal sa sinabi ni Nova, isang araw nang magbagsakan na naman ang mga utos mula sa propesor.

I totally messed everything up this time. Napagalitan ako ng ilang beses dahil sa palpak na outputs.

"But-"

"If it hasn't occurred to you yet, you're living in the shoes of a student assistant. It's a tough world for us. It's either you quit or try again. We don't get to complain. Kaya kung hindi mo na kaya just choose the easier way out. Hindi mo naman 'to kailangan gawin dahil mayaman ka na."

Bahagyang sumimangot ako. Bakit ba pinapa-ulit ulit niyang mayaman ako?! May issue ba siya sa mga mayayaman? Kasalanan ko ba 'yon?

Nasaktan ako sa sinabi niya. Ngayon lang ako nainis sa ideya na mayaman ako. Is it such a sin to live a comfortable and fancy life? Bakit ba 'yon minamasama?

His discouragements made me feel how incapable I was. And I resent him for that.

I was so tired. Pangalawang linggo ko pa lang pero ang eyebags ko yata pang-isang taon nang walang tulog. Pagod akong umupo sa upuan sa harap ng table niya. He was currently doing some math homework and his face looked so annoyed and uninterested in talking to me.

Bukod sa palpak na outputs, pinagalitan din ako ng boss namin for being late. As if it wasn't enough, pinagalitan din ako ni Nova kasi sa kaniya bumagsak lahat ng reklamo tungkol sa akin.

Hard to PleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon