01

309 7 0
                                    

" Lucky 'nak, hindi ka ba pupunta sa resort ?? Hindi ba't may mga VIP guests ngayon doon?"

Kakababa ko lang at nadatnan ko si Mom na nagpre prepare ng breakfast

" Ahh Yes ma, dadaan muna ako sa company kase may pipirmahan ako, then deretso na sa resort, and one week rin siguro ako do'n ma, for vacation na rin hehe"

Kakauwi ko lang rin dito sa pilipinas last week galing states...

" Tama yan 'nak, magpahinga ka rin...walong taon ka ngang wala dito sa pilipinas pero trabaho lang rin naman ginawa mo doon"

I smiled a little as my mind went down memory lane...

Walong taon...8 years since i left this country after leaving my former girl group

Walong taon na rin akong walang balita sa kanila, at hindi sila nakikita..

I wonder kung kamusta na kaya sila...

" Here, i made you breakfast..kainin mo mamaya sa company ha"
My thoughts were cut off when Mom spoke

I simply nodded and  kissed her goodbye

Inhale....exhale...

Matagal na yon, kahit anong gusto ko na e reach out sila hindi na rin naman mababalik yong dati

Tinalikuran naman nila akong lahat, hindi nila ako hinayaang magpaliwanag... I'm not blaming them tho, kase alam kong hindi rin naman sila pinayagan ng management na kausapin ako

Well maliban kay ate Aiah, she didn't follow anyone's rules or command... kaya siya lang nakaka alam kung ano ba talaga ang nangyari

Pero dumating kase sa point na naapektuhan na yong career niya, yong buhay niya...so i told her to cut ties with me, i assured her na it's okay, i'm okay..hindi ko kayang makitang mawala ang pinaghirapan niya dahil lang sa'kin

The last talk we have was five months after i left the country, simula non wala na akong balita sa kaniya o sa kanila


Anyway... Tama na muna sila, walong taon ko na silang iniisip, araw araw walang palya...kahit hindi ko alam kung ako, kung kilala pa ba nila 'ko...

I took a deep breath before starting my car and drove away





AT THE COMPANY

" Ma'am, atty. Lorenzo is here" my secretary informed

I was preparing my things kase paalis na ako dapat, so i stopped what i'm doing at tinignan sila

My secretary, Camille.. smiling awkwardly
I signalled her na it's okay so she nodded and went outside

" Attorney." I spoke with my nuetral voice

" Architect " he greets back

He's been wooing me for 6 months now... We met in New York, when i once visited a club to close a deal

Yeah weird place right, pero do'n kase gusto ng isang client na mag meet ... Let's just say na pati yong client na yon is hmmm, wants to marry me. But of course ayoko, but i still manage to close the deal and that client became my friend instead

" Do you have anything important to say? Kase busy ako ngayon, may pupuntahan pa ako" i didn't bother to hide my annoyance

He smirked

" Still feisty,Yves.."

" I told you to Stop calling me Yves, Ryan "
Na bwi bwisit na talaga ako, kapag ako hindi nakapag pigil tatadyakan ko 'to

Making Ends Meet | MACOLET ( OG SHIPS)Where stories live. Discover now