05

76 5 0
                                    

12:30 PM

I texted ate Aiah na papunta na ako , she said na nasa may  bandang cottages sila kase doon daw yong first shoot

Humugot ako ng isang malalim na hininga , silently hoping na hindi ko makita doon ang mga taong ayoko na sanang makita pa

Matagal na rin simula nang hindi na nila ako ginulo, hindi ko na rin alam kung  manager pa rin sila nila

Hindi ko pa masasabi kina Ate Aiah ang mga nangyare, totoong nangyari, kaya sana hindi ko muna makita yong mga asungot na nagpahirap sa'kin ng ilang taon

Pagkadating ko doon ay naka upo silang lahat sa may silong, umiinom ng tubig yong ilan, yong iba nagp phone.
Abala naman ang mga staff na mag ayos ng mga gamit at background, etc.

The girls are wearing swimsuits, ang pinagkaiba hindi sila naka t-shirt, kaya kita ang mga top nila

" Hi girls " I greeted them
Nilingon naman nila ako, and i smiled when i saw how their faces lit up when they saw me, well not all of them but yeah.

" Hellooooo" ate Aiah
" Ateeeeeeeee" Jhoanna
" Hi ate " Staku
" Hayow" Gwen

And the others just nodded in acknowledgement

" Kumain na ba kayo?" Tanong ko habang nasa likod pa rin nila ako at sila naka upo

" Last set na lang then lunch break na daw" Sagot ni Ate Aiah

Tumango ako,
" I'll wait for you guys then, sabay ako sa inyo mag lunch kung okay lang?"

They all agreed naman

Tinawag na sila kaya naupo na muna ako, habang pinagmamasdan ko sila hindi ko maiwasang alalahanin yong mga panahon na kaming walo ang may mga ganitong project, i miss doing those things, i miss being stage, i miss performing, i miss our fans, i... I miss them

Gusto ko naman yong career ko ngayon, pero hindi ko maikakaila na iba ang saya ko kapag nasa entablado ako, kumakanta at sayaw sa harap ng mga taga suporta namin

Pero wala eh, things happened..


Pinipigilan ko ang luha kong nagbabadyang tumulo.
Hindi nila pwedeng makitang umiiyak ako.

" Naka balik ka na pala"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon,
Dahan dahan akong lumingon, at tama nga ako

" M-ms. Ash..." Siya nga, at nasa likod nito si sir Gil, one of our producers dati..well producer pa rin nila hanggang ngayon

Hindi aki maka galaw sa kina uupoan ko, at isa isa na ring nagsipatakan ang mga luha ko.
Gusto kong lumayo...

" Maloi " pagtawag sa'kin ni Ate Aiah kaya lumingon kaming tatlo sa gawi nito

" Tapos na kami, tara na? Kain na tayo, gustom na rin lami e" pag aaya niya habang papalapit sa'kin kasama ang ibang girls

Tumigil siya nang makita niyang umiiyak ako, at napansin na kasama ko sina Ms. Ash

Kumunot ang noo niya at nagbago ang aura niya, agad niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay bago pinatayo

" Let's go.." lumingon siya sa ibang girls na halatang nagtataka
" Girls tara" at hinila na ako ni Ate Aiah palayo doon, sumunod rin naman sina Shee kahit nagugulohan yata sila


Nang maka layo kami, nasa tabing dagat kami napadpad.
Tumigil si Ate Aiah kaya tumigil rin kami, hinarap niya ako

" May sinabi ba sila sa'yo? Bat ka umiiyak kanina? " Magkasunod na tanong nito

Making Ends Meet | MACOLET ( OG SHIPS)Where stories live. Discover now